Simula noong nag-attend si Mark sa opening ng bagong golf course ni Daddy ay hindi na siya gaanong pormal kung makitungo sa akin kaya pakiramdam ko ay mas lalo lang akong na-a-attract sa kanya. Pagdating sa trabaho ay pormal siya pero kapag hindi oras ng trabaho ay hindi na Architect Romualdez ang tinatawag niya sa akin. Kahit sa text or chat ay hindi na siya pormal pero may pagkakataon pa rin na nararamdaman ko na hindi siya komportable na masyadong personal ang mga pinag uusapan namin kagaya na lang ngayon na magkasabay kaming kakain ng dinner kasama ang kliyente. Masyadong natuwa ang kliyente sa development ng project lalo na at ilang linggo na lang ay tapos na. Ngayon pa lang ay sigurado nang matatapos ang project bago pa ang birthday ng asawa ng kliyente kaya ngayon ay niyaya kaming

