Dahil nasa England na si Mark ay mas lalo akong nahirapan na alamin ang kahit na ano tungkol sa kanya. He is not considered as one of the private men I know but he barely posts pictures and he is the type who rarely shares his daily activities on social media. Ang huling update niya ng story ay noong isang buwan pa. Mag iisang buwan na ngayon ang huling story na pinost niya at wala pang kasunod! He is so inactive on social media and even my brothers weren’t talking much about him! Sinasadya ko na ngang sumama sa kanila at makinig sa mga usapan nila pero wala akong napapala dahil puro tungkol naman sa business namin ang pinag uusapan nila at kadalasan ay tungkol sa mga babae! Kanina pa ako nakatitig sa social media account ko. Hindi naman ako mahilig mag post ng stories o kaya ay magparin

