Ilang araw pa lang na nanliligaw sa akin si Mark ay hindi na kinakaya ng puso ko ang mga ginagawa niya para sa akin. Sobrang consistent niya sa pagdalaw sa akin sa akin sa Young Bucks Society Building at iba pa ang pagdalaw niya sa akin sa LEF kapag sinasabi ko sa kanya na wala akong kasabay na kumain ng lunch. Ang alam ko ay nagsisimula na siyang pumasok sa isang review center dahil mag-te-take na siya ng board exam ngayong taon. I don’t know how he is managing his time nowadays. Napagsasabay sabay niya ang pag-re-review para sa board exam, pagtatrabaho at ang panliligaw sa akin. Nakaka-guilty na rin kaya kahit na na-mi-miss ko siya ay hinihintay ko na lang na gumabi dahil sa gabi na lang siya available na dumalaw sa akin. Tumunog ang phone ko kaya excited na tiningnan ko at binasa ang

