Ngiting-ngiti pa ako nang malampasan namin ang ex-girlfriend ni Mark. Kitang-kita ko sa mga mata ng mga kaibigan niya ang gulat dahil nakita nila akong nakakarga kay Mark at nakakapit pa sa leeg niya. I wonder what they are thinking right now? Okay lang na isipin nila na may something sa amin ni Mark! Go ahead! I won't really mind! “Is that your ex-girlfriend?” kunwari ay patay malisya kong tanong kay Mark habang naglalakad papasok sa loob ng bahay. “Ah… Si Rizz ba?” balik-tanong niya. Tumango ako kahit na hindi niya naman nasisilip ang mukha ko dahil nakayakap ako sa leeg niya. “Yeah. The one who's wearing a blue dress,” sagot ko. “Paano mong nakilala si Rizz?” tanong niya. Natigilan ako at kagat ang ibabang labi na nag-isip ng palusot. Baka mamaya ay mahalata niya pa na hindi lang s

