Pagkatapos ng ginawa ni Julian sa akin ay hindi talaga tumigil ang mga kuya ko hangga’t hindi niya napagbabayaran ang ginawa niya. Ilang beses siyang sumubok na kausapin ako para humingi ng tawad pero hindi ko siya pinansin. Kung noon ay nagawa kong palampasin ang ginawa niyang pambabastos sa akin dahil naawa ako sa kanya sa ginawa ng mga kuya ko, ngayon ay hindi na. I want him to pay for what he did. At wala akong pakialam kung masira ang buhay niya dahil doon. Dahil sa kaso na isinampa ko kay Julian ay pansamantalang natigil ang construction ng kasalukuyang project na ginagawa namin. Inip na inip ako at gusto ko na talagang maipagpatuloy ang construction kaya ginawa ng mga kuya ko ang lahat para mapabilis ang kaso at maikulong na si Julian. The dela Cernas were trying to approach our fa

