“Yura—” “Wa—what?” Hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin habang nakatingin kay Mark na hindi alam kung paanong itatago ang sarili sa akin! Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko magawang tumalikod para hayaan siyang magbihis at ayusin ang sarili niya! Damn it! He is naked in front of me! Hubo’t hubad! At nakita ko na rin naman kahit na takpan niya pa! I cannot unsee it now! Hindi ko na rin agad maalis sa isip ko kasi… kasi ang hirap at imposible na maalis kaagad sa isip! Muling gumalaw si Mark at gamit ang comforter na itinapis niya sa katawan niya ay bumaba siya sa kama at naglakad palapit sa akin. Hindi ko nagawang gumalaw o kahit na umiwas man lang sa gagawin niyang paglapit. Hinayaan ko lang siyang hubo’t-hubad pa rin sa ilalim ng comforter na nakatakip sa katawan niya!

