Nakatapos na akong maligo pero mas lalo ko lang naramdaman ang pananakit ng mga hita ko. I feel like I am going to be sick! Kaya nang natapos si Mark sa paliligo at nilapitan ako sa kama at tinanong ay hindi ko na napigilan ang sarili na irapan siya! “Magtatanong ka pa! Kasalanan mo naman kung bakit ang sakit ng katawan ko!” bulalas ko at saka umayos ng higa sa kama. Hindi siya nagsalita pero naramdaman ko na umupo siya sa gilid ng kama. “Sobrang sakit ba?” marahang tanong niya. Umirap lang ako sa kanya at hindi nagsalita. Ilang sandali pa ay hinawakan niya ang hita ko kaya kunot ang noo na napatingin ako sa kanya. “What are you doing?” agad na saway ko at hahawiin na sana ang kamay niya pero nagsimula na siyang imasahe ang mga hita ko. Napapakagat labi at napapadaing ako sa bawat pagpi

