Isang linggo pa ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakausap si Kuya Yexel. Wala pa ring balita tungkol sa kontrata ni Mark kaya hindi na talaga ako mapakali. Malapit na ang pagsisimula ng project kaya dapat ay makapirma na siya ng kontrata ngayon. “Jared kept on asking me so I already informed him about the situation. I'm sorry, Yura. I just can't keep things this way. Alam ni Jared ang proseso kaya hindi pwedeng hindi niya malaman lalo na kung hanggang ngayon ay naka-pending pa rin ang kontrata para sa magiging chief engineer.” Hindi ko alam kung manghihina ako o kakabahan nang muling ipatawag ako ni Engr. Gelo sa opisina niya para lang sabihin sa akin na alam na ni Jared Mijares ang tungkol sa ginawa ni Kuya Yexel sa main investor ng project sa England. Alam na rin n

