"Maa! Paa!!" Iyon lang ang nasambit ko at umiyak ng malakas. "HINDI!"Pawis na pawis akong bumangon at nasilayan ko ang sinag ng araw sa may binatana. Umaga na nagpasalamat dahil panaginip na naman ang lahat. Binuksan ko ang pinto at nakita ko silang tatlo. Napahawak ako sa dibdib ko at napakalakas at mabilis ang pagtibok. Napabugtong hininga ako ng malalim. Lumapit ako sa kanilang tatlo at walang prenong nagsalita. "Papa, huwag na huwag po kayong lalabas ng bahay ni mama. Kung may bibilhin po kayo ipagutos nyo saken at ako ang gagawa. Kahit anung mangyari, wag kayong aalis ng bahay at lalabas." Diritsahang sabi ko na natataranta. Para bang hinihingal. "Anak. O-oo sige hindi. At saka wala naman kaming bibilhin na sa labas dahil naibili na nung isang araw." Sabi ni mama na bakas an

