Sa isang iglap nagbago ang lahat. Bakit ba naging masyado akong mabagal, dapat nung naramdaman kong may mali kay daddy dapat sinabi ko na agad kay mommy. Sana may nagawa agad ako hindi agad nangyari sa amin to, Naagapan sana si marcus, hindi sana na trauma si mommy.... At sana hindi rin siya nagpakamatay. Hindi sana nawala sa amin ang lahat. Hindi sana nawala sa akin ang lahat. Kasalanan ko ang lahat ng to. I'm so f*****g useless! Nagwala si mommy sa hospital ng ideklara na patay na ang kapatid ko, patay na si marcus. Ang sabi ng doctor sobrang hina ng puso ni marcus. Ang bilis ng mga pang-yayari, umuwi lang ako saglit. At bumalik na wala na ang kapatid ko. Parang panaginip lang ang lahat. Parang isang panaginip lang nawala sa akin ang lahat. Mga relatives ko lang ang tumulong n

