Tulala akong nakatitig sa kisame malalim na ang gabi pero hindi parin ako makatulog, Iniisip ko parin ang nangyari kanina.
"You are fast learner" Sabi nya ng matapos icheck ang mga sagot ko.
Nang matapos ay sabay kaming naglakad palabas ng coffee shop. May mga iilan pang-kakilala na nagulat na magkasama kami, pero parang wala lang iyon kay jaquin.
Pumara siya ng taxi buong akala ko ay mauuna na siyang umalis, ngunit bigla niya iminuwestra sa akin ang sasakyan.
Kunot-noo akong napabaling sa kanya.
"Lady's First." he said.
Hinintay niya akong makasakay at sinarado nya ang pintuan, Binaba ko agad ang bintana ng taxi at kumaway sa kanya sabay ngiti.
Sapo ko ang aking bibig at gumulong sa kama ng maalala ang pagiging gentleman niya kanina.
Nang magising ako kinabukasan ay masigla akong bumangon at binuksan agad ang malalaking kurtina at mga bintana sa aking kwarto.
Alas sais na ng umaga at bumungad sa akin ang lamig at ang simoy ng hangin. I always want to witness the sun every Morning. Ang Sinag ng araw ang nag-papaalala sa akin ng tapos na ang madidilim na gabi.
Matapos akong mag-ayos ng sarili ay tumulak na ako para pumasok. Nang makapasok na ako sa aming classroom ay silubong ako ni andrea na mugto ang mga mata.
"Sino nag-paiyak sayo?"Seryoso kon'g tanong.
Hindi ko kayang makita ang malulungkot niyang mga mata, Palagi siyang masayahin at nakatawa kaya ang makita siyang mahina at malungkot masakit para sa akin.
Hindi siya kumibo at yumuko na lamang, Kitang-kita ko pagkabigo niya kahit hindi niya pa sabihin ay alam kong sobrang sakit para sa kanya.
Tumitig siya sa akin matapos ang ilang minutong katahimikan.
"Yung taong gusto ko hindi na ata ako yung ata ako gusto niya."Bigo niyang sambit.
Sumadal siya sa balikat ko at dinig ko ang munti nyang mga hikbi, gusto ko siyang pakinggan at damayan sa lahat ng magiging problema niya gusto ko andito lang ako sa tabi nya.
"Ako kase yung may problema simula pa lang, masyado akong naging kampante na ako lang ang magugustuhan niya. Siguro nag-sawa na siya kakaintindi sa akin."Nabasag ang boses niya.
Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya Pero alam kong may isang lalaking matagal ng may pagkagusto sa kanya.
Felix Primo? Napa-isip ako.
Pero ang alam ko hindi niya ito tipo at kina-iinisan niya pa kaya malabong iyon ang tinutukoy nya.
Kasalukuyan kaming nasa comfort room habang hinihintay ko si andre, naramdaman kong biglang nag vibrated ang phone ko.
Someone text me, kinuha ko ang cellphone ko at binasa ang nag-text.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang number ni joaquin.
Joaquin :
Seeyou later at the coffee shop again .
Tssk, kanina lang ng pumasok siya halos hangin lang ako sa kanya hindi man lang ako pinansin, Tapos ngayon mag-text siya!
Hindi ako mag-rereply manigas siya.
Padarag kong binalik ang aking cellphone sa aking bulsa.
Tumititig ako sa salamin at pinasadaan ang sarili, Magulo ang aking buhok at medyo maputla ang aking labi.
I started comb my hair and put some lipstick and powder .
Nang matapos ay naging mas maganda ang itsura ko, Gusto kong humarap kay joaquin na Kaaya-aya ang ayos.
Habang naglalakad kami ni andrea ay napatitig soya sa akin. "Naglagay ka ng lipstick?." Tanong niya at nanliit ang mga mata.
Napangiwi ako sa tanong nya, Alam niyang hindi ito ang gawain ko tuwing uwian.
"..... Nagpapaganda." dugtong niya.
Palapit na kami sa gate, tumingala ako dahil sa mga munting patak ng ambon.
"Mukulimlim mukhang uulan." Sambit ko winawala ang usapan .
Wala pang ilang minuto dumating na ang ang SUV nila andrea para sunduin siya.
Simula ng magkaroon kami ng usapan ni joaquin ay hindi na ako nagpapasundo.
Hinintay kong makaalis ang sasakyan nila andrea para makapunta na ako sa coffeeshop, wala pa akong balak ikwento kay andrea ang usapan namin joaquin.
Kilala ko si andrea alam kong mapapansin niya kung bakit ako pumayag sa ganito.
Hahakbang na sana ako para makaalis ng maramdaman kong may humigit sa aking braso, napalingon ako at nakitang si joseph iyon.
Isinilong niya ako sa kanyang dalang payong, Nanlaki ang mga mata ko sa gulat inaasahan ko na hindi niya na ako papansinin.
"Bakit ka nag papaulan baka magkasakit ka?"He said worriedly.
Tumikhim ako at ngumiti sa kanya."Hindi ako nagpapaulan joseph balak kong pumunta ng coffeshop habang hindi pa lumalakas."
Tumango siya at hindi parin nawawala ang kanyang pagiging seryoso.
"Sorry alam kong ayaw mong nag-aalala ako." Sambit niya sa malungkot na boses.
"It's okay mauuna na ako baka lumakas na yung ulan."
Aalis na sana ako ngunit hinawakan niya ang kamay ko at iginiya niya ang payong na dala at binigay sa akin .
"Keep this ." he said.
Umiling ako dahil pano siya wala siyang payong kung ibibigay niya pa sa akin iyon, Pwede naman akong tumakbo papuntang coffeshop.
"Please"Pag-pupumilit nya.
Tumango na lamang ako at nagpasalamat, tumalikod na siya at mabilis na naglakad. I appreciate him for being kind to me, But I don't want to abuse him.
Inubos ko ang ilang minuto para sa pag-iisip na iyon, kung hindi lang ako may nadinig na Tumikhim sa aking likuran,
Naagaw ang atensyon ko at agad na lumingon, Laking gulat ko na makita ang supladong mukha ni joaquin.
His eyes were dangerous and his brows were furrowed. Dumapo at nagtagal ang titig nya sa dala kong payong .
"Let's go."he said with cold tone.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa payong dahil sa mariing niyang tingin, Feeling ko para akong nahuli sa isang krimen.
"O-kay."
Nauna akong maglakad at sumunod agad siya, Limang minuto kaming naglakad papuntang Coffeeshop.
Nang makarating kami ay agad akong naghanap ng malapit na upuan, Hindi nakatakas sa akin ang mga hagikhikan ng mga babae sa gilid at mahinang nag-bubulungan dahil kay joaquin.
Sorry na lang girls I'm with him.
Umupo siya sa harap ko at tinabi ang gamit sa gilid, Tuwid naman akong nakaupo sa harap niya.
"What do you want to order?" he asked.
Umiling ako dahil baka mangyari ulit yung kahapon na hindi niya ako pinagbayad.
"Caffe Mocha, miss."
Umorder agad ako ng makarating ngunit hindi sa akin ang atensyon ng babae sa counter, Kita-kita ko kung paano kuminang ang mga mata niya at pumula ang pisngi ng makita si joaquin sa likod ko.
"Miss, can you take my order please." irita kong ulit.
Nakaka-inis tila hangin lang ako sa kanila hindi ba nila napansin na kasama ako ni joaquin.
"Ah sorry po." Saad ng babae sabay sulyap agad kay joaquin.
Umirap ako sa kawalan at wala ng nakagawa pa.
"Ano pong sa inyo Sir hihi."Hinawi niya ang buhok nya at nag-papacute pa, nakakainis na talaga.
"Coffee Americano ." Saad ni joaquin.
Nang matapos kaming umorder ay naupo na kami, hinanda ko ang aking notebook at ballpen ganon din ang ginawa niya.
Napansin ko ang suot nya sa kaliwang kamay na Black leather bracelet. Agad kong napagtanto na baka iyon ang tinutukoy nyang bracelet na hinahanap niya sa akin.
"How did you find your bracelet?." I asked.
Napabaling siya sa akin at tumikhim.
" Somewhere."
Siguro nga napakahalaga sa kanya ng bracelet na iyan, panigurado importante din na tao ang nagbigay niyan sa kanya. Girlfriend? or First love niya? .
"I'm sorry to accused you."Sambit niya.
Nagulat ako sa sinabi nya, para akong na estatwa at napatitig lang sa kanya.
"I do my best para maturuan kita." Maamo niyang sambit.
Ngumuso ako at nagpipigil ng ngiti, yumuko na lamang ako at binuksan ang notebook, ganon din ang ginawa niya at nagsimula na syang turuan ako.
Halos isang oras na kami dito sa loob ng coffee shop, napatingin kami sa labas at nakadinig ng malakas na kulog sa labas.
"I think we need to go, Baka maabutan ka malapit lang bahay ko dito." Saad niya.
Tumango ako at nag-ayos ng gamit,
Nang makalabas na kami ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Nagka-tinginan kaming dalawa uminit ang pisngi ko at nag iwas ng tingin, binuksan ko ang payong na binigay ni joseph.
Napansin ko sa peripheral vision ko na nakatitig parin siya sa akin.
"Masyadong maliit ang payong na yan."Narinig kong sinabi niya.
Napalingon ako bigla at kunot-noo siyang tinignan. Suplado siyang nakatingin sa akin.
"Mas malaki ang payong na dala ko, ito na lang ang gamitin natin" Sabi niya sabay iwas ng tingin.
"Huh?"
Binuksan niya ang dala niyang malaking payong at naglakad ng bahagya, Bigla siyang lumingon at hinintay ako maglakad.
Para akong isang maamong tupa na sumunod agad sa kanya.
Nagsimula na kaming mag-lakad ang mga putik sa daan ay dumidikit sa sapatos ko, pero hindi ko ito ipagpapalit sa konting oras na magkasama kami.
Nagtama ang aming mga braso at naramdaman ko ang init ng kanyang balat, Lumingon ako sa kanya at nahuli kon'g nakatitig siya sa akin.
Pumungay ang kanyang mga mata hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon, bumaba ang kanyang titig sa aking labi at bigla nag-iwas ng tingin.
Ngumuso ako para pigilan ang aking mga ngiti, hanawi ko na lang ang aking buhok.
Hindi ko na inalintana na nababasa ang kaliwang braso ko, suminghot ako at damang-dama ang lamig ng ulan at ang init ng kanyang balat.
Nang makarating kami sa sakayan ay pumara agad siya ng taxi, Binuksan niya ang pintuan at iminuwestra sa akin.
"Get in." he commanded.
Basang-basa na ako ng pumasok sa taxi, umangat ako ng tingin sa kanya hawak niy parin ang pintuan ng taxi at nakakatitig sa akin.
"Text me when you get home please." he said worriedly.
Tumango ako at ngumiti sa kanya, sinarado na niya ang pintuan at nagsimula ng umandar.
Sumulyap ako sa likod ng taxi at nahuli siyang nakatingin parin. Hinawakan ko ang dibdib ko at naramdaman kon'g ang lakas ng kalabog ng puso ko sa mga oras na ito.
I bit my lower lip and process his worried face because of me.