Niyakap ako ni tita ellaine at malamyos na hinaplos ang aking pisngi bago ako sumakay ng sasakyan papuntang airport. "Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka." Sambit ni tita ellaine. Tumango ako at ngumiti. Hindi ko makakalimutan ang mga naitulong niya sa akin . "Kung uuwi ka doon sa pilipinas para sa mga problema. Pag-isipan mo munang mabuti ang offer sayo ng tita anna mo." Sabi ni tita bago ako sumakay ng sasakyan. Si Yohan ang naghatid sa akin sa airport dahil busy sila tita ellaine sa mga business. Ilang araw ng malaman kon'g nahuli na si daddy ay hindi ako nagdalawang isip na umuwi sa pilipinas. Gusto kon'g makausap si daddy, at makita na rin. Niyakap ko ng mahigpit si Yohan ng makarating sa airport. Sobrang nagpapasalamat din ako sa kanya sa mga naitulong at pagiging mabait

