TAHIMIK LANG AKO buong gabi. Hindi ako masyado nagsasalita kahapon. Mukhang napansin ata iyon ni Kyle. Gusto ko lang na magpahinga kaya diritsyo na kami sa sarili namin na mansyon. Kinabukasan, naghanda na ako ng almusal nila. Alam kong nalilito si Kyle sa ikinilos ko kagabi. Nakaramdam lang naman ako ng takot. Lalo na nilapitan no'n si Kylo— ang inosente na bata. Hindi ko siya palalagpasin kapag ginalaw niya ang anak ko. Baka pumatay pa ako ng tao para lang sa anak ko. Palagi ko rin dala yung baril na binigay saakin ni Cypher. Hindi ko sinabi 'yon kay Kyle. Alam kong mag-aalala lamang iyon saakin at kakausapin niya si Cypher, kung bakit niya ako binigyan ng baril. Pakiramdam ko ay nalalapit na ang masamang mangyayari. Dahil bumalik na ang nanakit kay Kyle noon. Nandito na siya. Tama n

