TODAY is my 6th birthday. People were singing a happy birthday for me. Nilapit ni Mom yung cake sa harapan ko. Nasa tabi ko si Cadence at inaabangan ang paghipan ko sa kandila. "Make a wish, son." Nakangiti na usal ni Mom. I shut my eyes. Sana maging masaya ako sa taon na 'to. Mahalaga saakin ang kasiyahan kesa sa pera. Dinilat ko na yung mata ko at hinipan ko yung kandila. Nagpalakpakan yung mga tao sa paligid ko. Hinalikan ni Mom yung tuktok ng ulo ko. Nilapag naman ni Dad yung cake. Hindi ko namalayan na hinawakan ni Cadence yung kamay ko. Kunot noo ko siya tinitingnan. "Where are we going?" I asked. He gazed at me then plastered a smile. "I'm going to show you something." Hinayaan ko nalang siya na hatakin ako. Hanggang sa napadpad kami sa garden. Napakurap ako na may nakita ko n

