"WAKE up, Cherry..." Naramdaman ko na may nag-aalog sa braso ko. Mahina ako napaungol dahil may gumuhit na sakit sa ulo ko. Pagdilat ko ng mata ko ay naka salubong ko ang mukha ni Dustin. "There you are... Waking up already." He said. "D-Dustin?" Sinubukan ko igalaw yung kamay ko pero napagtanto ko na nakatali yung kamay ko sa upuan. Pati rin yung paa ko ay hindi rin pinalagpas. Tiningnan ko muli si Dustin, pero mas lalo lumawak ang ngiti niya saakin. "What the f**k are you doing?!" I asked, frustrated. "Let go of me!" Umiling siya at mahina na natawa. "Do you think I'll ever let you go so easily? Think again, Cherry." "Traydor!" Sigaw ko. Dahil sa sinabi ko ay humalakhak siya, parang tawa ng isang demonyo. Sinubukan ko magpumiglas pero masyado mahigpit ang pagkakatali sa kamay ko.

