Chapter 3

2214 Words
"INGAT, Ate Amarah." Ngumiti si Amarah sa sinabing iyon ng bunsong kapatid na si Amadeus nang magpaalam siya na aalis na para pumasok sa trabaho. "Ingat din. Huwag magpapapagod, ha? Para hindi hingalin," bilin naman niya sa kapatid. "Opo, Ate," sagot naman nito sa kanya. Ginulo naman niya ang buhok nito bago niya nilingon ang Mama niyang abala sa paghuhugas ng pinggan. "Ma, alis na po ako," paalam niya dito. Sinulyapan naman siya ng Mama niya. "Sige, mag-ingat ka Marah," wika nito sa kanya. Nang makapagpaalam si Amarah ay lumabas na siya sa bahay. Humakbang naman siya paalis. Deretso lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa sakayan ng jeep. Agad siyang sumakay doon dahil baka maunahan pa siya, marami pa namang pasahero ngayon dahil weekdays. Pinara naman ni Amarah ang sinasakyang jeep nang makarating na siya sa Daxton Corp. At nang makababa ay pinasadahan niya buhok na nakapusod nang mapansin na nawala iyon sa ayos dahil sa hangin. Humakbang na din siya papasok sa loob mg nasabing kompanya kung saan siya nagta-tranaho. Hindi pa nga siya tuluyang nakakapasok nang marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone na nasa bag niya. Tumigil naman si Amarah mula sa paglalakad para kunin ang cellphone sa loob ng bag para tingnan kung sino ang tumatawag. Napakunot naman si Amarah ng noo nang makitang ang Mama niyang si Arianne ang tumatawag sa kanya. Hindi niya maipaliwanag pero nakaramdam ang puso niya ng kaba nang mabasa niya ang pangalan ng Mama niya sa screen ng cellphone niya. Ito kasi ang tumatawag sa kanya ng sandaling iyon. Dali-dali naman niyang sinagot ang tawag nito. "Hello?" "Marah, a-anak." Ganoon na lang ang naramdaman na kaba ni Amarah nang marinig niya ang garalgal na boses ng Mama Arriane mula sa kabilang linya. "B-bakit po, Ma?" "P-papunta kami sa ospital," sagot nito sa kanya. Kumabog ang puso niya. "Ano...pong nangyari kay Amadeus, Ma?" tanong ni Amarah dito. Ang bunsong kapatid agad ang naisip ni Amarah dahil sa kanilang magkakapatid ay ito ang may sakit. May conginital Heart Disease kasi ang kapatid niya. Dahil sa sakit nito ay hindi na ito nakapag-aral. Home schooled na lang ito. At kaya din napagpasyahan ng ina na tumigil ito sa pagta-trabaho para mabantayan mabuti si Amadeus. "B-bigla na lang siyang nag-seizure at nawalan ng malay, Marah," sagot nito sa kanya. Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-seizure ang kapatid at nawalan ng malay, maka-ilang beses na. Na-operahan na ito noong bata pa ito. Inutang pa nga nila ang perang ginamit nila sa pagbayad sa bills nito sa ospital. At hanggang ngayon ay binabayaran pa nila, with interest pa. At nitong makalipas na araw ay napapadalas muli ang seizure ng kapatid. At ang sabi nga ng doctor sa kanila ay kailangan ng heart transplant ng kapatid, nakapila na nga ito sa heart donor. At kailangan daw nilang maghanda ng malaking halaga para sa heart transplant nito kung sakaling may heart donor na ito. At kapag sinabing malaking halaga ay milyon iyon. At wala pa silang ganoon kalaking halaga. Konti pa nga lang ang naiipon ni Amarah dahil nga tumutulong din siya sa ama na magbayad sa pinagkakautangan nila. Dahil kapag namintis sila sa pagbabayad, nagkakaroon iyong ng penalty. "S-saan ospital niyo po dadalhin si Amadeus, Ma?" tanong niya. Sinabi naman ng ina kung saan ospital dadalhin ng ina si Amadeus. Sa isang public hospital. "Sige po, Ma. Hintayin niyo po ako diyan." Hindi naman na niya hinintay na sumagot ang Mama niya, ibinaba na niya ang tawag. At sa halip na pumasok sa loob ng kompanya ay umalis siya doon. Padadalhan na lang niya ang boss niya ng text message kung bakit hindi siya makakapasok ngayong araw. Sa halip na jeep siya sumakay ay sa Taxi na lang siya sumakay para mapabilis ang biyahe. Hindi naman nagtagal ay nakarating na din si Amarah sa ospital kung saan sinugod ang bunsong kapatid. Nang makapagbayad ay agad siyang bumaba ng sinasakyan na taxi at agad siyang tumakbo papasok sa loob ng ospital. Agad naman siyang lumapit sa reception area para tanungin kung nasaan ang kapatid. At nang malaman ay agad siyang nagtungo sa ER kung saan ito isinugod. Pumasok naman siya sa loob ng ER. Inilibot niya ang tingin sa paligid at agad niyang nakita ang Mama Arianne na umiiyak habang kausap ang doctor. Agad na humakbang si Amarah palapit sa mga ito. "Ma," tawag niya sa atensiyon nito. Lumingon naman sa kanya ang Mama niya. At mas lalo itong napaiyak nang makita siya. "M-marah, ang kapatid mo," wika nito ng tuluyan siyang nakalapit. Hinawakan niya ang likod ng ina at marahan iyong hinaplos. Nang sandaling iyon ay nakakaramdam din siya ng paghihina pero pilit na tinatatagan ni Amarah ang loob. Hindi din kasi siya pwedeng paghinaan ng loob ng sandaling iyon. She needed to be strong, not just for her brother, but also for her mother. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos ay sumulyap siya sa babaeng doctor na kausap ng Mama niya. Tumikhim siya para maalis ang bara sa kanyang lalamunan. "Doc, kamusta po ang lagay ng kapatid ko?" tanong niya, nagpasalamat siya dahil hindi pumiyok ang boses. Napansin naman niya ang paghugot nito ng malalim na buntong-hininga. At nang mapansin iyon ay mas lalong nakaramdam siya ng kaba. "There's a good news and bad news," wika ng doctor sa kanya. "The bad news is, mas lalong humina ang puso ng kapatid mo. She need a heart transplant as soon as possible. At dahil kapag bumigay ang puso niya ay wala na tayong magagawa," wika nito sa masamang balita. "Ma!" Mabilis naman niyang hinawakan ang ina nang maramdaman niya na muntik na itong matumba kung hindi lang naging mabilis ang reflexes niya. "Okay lang po kayo, Misis?" tanong ng doctor sa Mama niya. Umiling lang naman ang Mama niya bilang sagot. "Maupo muna kayo." Inalalayan naman ni Amarah ang ina para maupo sa monobloc chair na naroon. Hinaplos-haplos din nga niya ang likod nito para kumalma. "O-okay na po kayo, Ma?" tanong niya. Isang tango lang naman ang isinagot nito sa kanya. "D-doc, ano po iyong good news na tinutukoy niyo?" tanong ng Mama Arianne niya sa doctor. Inalis naman ni Amarah ang tingin sa ina at nilingom niya sa doctor. "The good news is, may nag-match na heart donor sa pasyente." Nabuhayan si Amarah nang loob ng marinig niya ang sinabi ng doctor. Kung may heart donor na ay pwede na itong ma-operahan, ibig sabihin ay gagaling na ang kapatid niya. Hindi na ito mahihirapan sa sakit nito. "Kailangan niyo nang ihanda ang malaking halaga para ma-operahan na agad ang bata," dagdag pa na wika nito. "Tatapatin ko na din po kayo, nag-match din sa isang pasyente ang heart donor. At mayro'n na silang pera para sa operasyon," pagpapatuloy nito. Hindi naman na kailangan ipaliwanag ng mabuti ng doctor kung ano ang ibig nitong sabihin dahil naintindihan na niya ang ibig sabihin nito. Sa kalakaran ng mundong ginagalawan nila ngayon ay hindi na nasusunod kung sino ang nauna, kung sino ang ma-pera ay kahit na nasa huli ito ng pila ay makakaungos ito. At sa lagay nila, kung hindi nila maihanda ang pera ay sa ibang nangangailangan ibibigay ang heart donor na iyon. Nagpaalam naman na sa kanila ang doctor. "Marah, anong gagawin natin? Saan tayo kukuha ng pera para sa kapatid mo?" bakas ang pag-aalala at paghihirap sa boses nito ng maiwan silang dalawa. Binasa ni Amarah ang labi. Siya din kasi ay hindi alam kung saan kukuha ng pera ng ganoon halaga sa maikling panahon lang. "And I give you ten million, Amarah. You just need to marry me on paper," biglang pumasok sa isip ni Amarah ang proposal sa kanya ni Sir Daxton sa kanya. Mukhang wala siyang choice kundi bawiin ang naging sagot niya dito sa proposal nito sa kanya. TUMAAS ang isang kamay ni Amarah para kumatok sa pinto ng opisina ni Sir Daxton. Pero mayamaya ay naiwan sa ere ang kamay niyang kakatok sana sa pinto. Pero nang maalala ang kalagayan ng kapatid ay naglakas loob na si Amarah. Kumatok siya ng tatlong beses para ipaalam ang presensiya niya. Hindi naman nagtagal ay narinig niya ang baritonong boses ni Sir Daxton. "Come in." Humugot muna si Amarah ng malalim na buntong-hininga bago niya pinihit ang seradura pabukas. Pagkatapos niyon ay pumasok siya sa loob. Agad namang tumuon ang tingin niya kay Sir Daxton na ang atensiyon ay nasa harap ng laptop nito. As usual, his expression was serious again. "G-good morning, Sir," bati niya dito. Tumikhim siya para maalis ang bara sa lalamunan. "Pwede ko po ba kayong ma-istorbo saglit, Sir Daxton. M-may gusto lang po akong sabihin," wika niya dito. Sa pagkakataong iyon ay nag-angat ito ng tingin. At bigla na lang kumabog ang puso niya nang magtama ang mga mata nila. Sir Daxton's face was void of emotion as their eyes met. "What is it?" he asked in a low, baritone voice that was icy cold." Napalunok naman siya habang pilit niyang sinasalubong ang itim na mga mata nito. "O-open pa po ba iyong p-proposal niyo, Sir?" tanong niya dito, medyo nahihiya. He leaned back in his swivel chair, his intense gaze piercing through her. Her heart pounded harder as he fixed her with a piercing stare. "Why? Have you changed your mind?" he asked instead of answering her. Hindi kasi tinanggap ni Amarah ang gustong mangyari ni Sir Daxton. Tumanggi siya sa gustong nitong mangyari na pakasalan niya ito. Para kasi sa kanya ay masyadong sagrado ang pagpapakasal. At ang pagpapakasal ay hindi parang business deal lang. Pero mukhang kailangan niyang kalimutan ang paniniwala niyang iyon. She needed the money as soon as possible, and his proposal was the solution to their problems. Kailangan niya ng perang inaalok nito para ma-operahan ang kapatid niya. Para madugtungan ang buhay nito. Mahal na mahal niya ang kapatid at kung ang kalayaan niya ang kapalit para madugtungan ang buhay nito ay gagawin niya. Tumango naman si Amarah bilang sagot. "Is...your proposal is still open, Sir?" Hindi agad sumagot si Sir Daxton sa tanong niya. Hindi naman niya napigilan ang pagbagsak ng balikat. Sa hindi pagsagot ni Sir Daxton sa kanya ay mukhang hindi na open ang proposal nito? Nahuli na ba siya? Nagbago na ba ang isip nito? O nakahanap na ito ng ibang babae na magpapanggap na asawa nito sa harap ng pamilya at ex-girlfriend nito. Paano ang kapatid niya? "The proposal is still available, Amarah," mayamaya ay sagot ni Sir Daxton sa kanya. "But are you sure you're ready to accept my proposal? I don't want to force someone who's unwilling or feels pressured," he added. "H-handa na po ako, Sir Daxton. At hindi po ako napipilitan lang. Buo po ang desisyon ko na tanggapin ang proposal niyo," mabilis ang sagot niya. "Take a seat, Amarah," he said after a moment. Mabilis naman niyang sinunod ang utos nito. Umupo siya sa visitor chair sa harap nito. Kumilos si Sir Daxton at may kinuha ito sa drawer nito. "Here," wika nito sabay abot sa kanya ng isang folder. Kahit nagtataka ay tinanggap iyon ni Amarah. Tiningnan niya ang laman ng folder. At hindi napigilan ni Amarah ang manlaki ng mga mata nang makita kung ano ang laman ng folder. Marriage contract and the clauses of his proposal. She couldn't believe that Sir Daxton was prepared, as if he was sure she would accept his proposal. He was indeed Friedrich Daxton De Asis, his confidence was both captivating and unnerving. Sa dalawa ay mas natuon ang atensiyon niya sa Marriage Contract kung saan ay may pirma na ito. "If you've made up your mind and agree to the terms of my proposal, you can sign the documents." Binasa naman ni Amarah ang clause ng proposal nito. Agree naman siya sa nakalagay doon kaya kinuha niya ang ballpen at saka na niya iyon pinirmahan. "Do you have any question, Amarah?" mayamaya ay tanong ni Sir Daxton sa kanya. Sa totoo lang ay marami siyang gustong itanong dito. Pero isinantabi muna niya iyon. May mas mahalaga pa siyang kailangan na unahin. "Sir." "Daxton." "Sir?" "From now on, call me Daxton. Once I file our marriage contract, you'll be my legal wife. I'd like you to get used to it so it's not awkward for you to call me by my name when we're with my family." "Sige, D-daxton," wika niya, hindi pa din talaga siya sanay na tawagin ito sa pangalan ito. "Daxton." "Yes?" Saglit niyang kinagat ang ibabang labi. Bigla siyang nakaramdam ng hiya na sabihin dito ang kailangan niya. "What, Amarah?" Humugot siya ng malalim na buntong-hininga para kumuha ng lakas ng loob. "P-pwede ko po ba na i-advance na ang perang inalok niyo sa akin," wika ni Amarah dito. At kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang pulang-pulanang magkabilang pisngi niya lalo na noong hindi agad sumagot si Sir Daxton. "I'll transfer the money to your bank account, Amarah" sagot nito mayamaya sa kanya. "Thank you po, Sir," sagot niya. "Huwag po kayong mag-alala, gagalingan ko pong magpanggap na asawa niyo sa harap ng pamilya at nang ex-girlfriend niyo," dagdag pa na wika ni Amarah sa lalaki na nakangiti. Daxton didn't speak; his piercing eyes were focused on her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD