TITIG na titig si Daxton sa cellphone na hawak habang paulit-ulit niyang binabasa ang text message sa kanya ng kapatid ni Amarah na si Amadeo. Hindi nga din niya napigilan ang pagbilis ng t***k ng puso ng sandaling ito. Ipinagkakalat po kasi ng kapitbahay namin na buntis si Ate Amarah. Basa niyang muli sa text message nito sa kanya. Nang makabawi si Daxton mula sa pagkabigla ay mabilis siyang nagtipa ng reply sa kapatid ni Amarah. Buntis ang Ate Amarah mo? "Friedrich, I already told you to stop using your cellphone in front of food," ulit na wika ng Daddy Franco niya. Mula naman sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagsulyap sa kanya ng kasama niya sa mesa. "Saglit lang, Dad. This is very important," sagot niya dito ng muli niyang ibinalik ang atensiyon sa cellphone n

