5.1
Nauwi sa inuman ang pagluluksa ni Tony na siyang sinang-ayunan ko at ibinalik ang sarili sa kabilang dako ng mesa, na hindi pa rin nagalaw ng panandaliang lindol.
Umiiyak pa rin siya pero tahimik lang.Iniiwas niya ang sarili sa mga naaawa kong tingin. "Sobrang mahal mo siya 'no?" Sabi ko na may panghihinayang. Hindi niya 'ko sinagot. Obvious ang sagot.
She's dead. I knew it. Nakapikit na ang mata niya nu'n nang bumagsak siya ng pagkalakas-lakas. Miracle na nga na buo pa ang ilan sa katawan niya nu'n. Parang light's speed ang bilis eh. Kung ako 'yun, patay na ako n'un!
Pero meron pa rin sa puso kong kaunting pag-asa na... Naiyak ako. Na... na buhay pa ang Nice ng buhay ko... Nice na nagtanggol sa'kin kay Envy at Jealousy... Nice na nagpakawala sa'kin sa kulungan... Nice na nagsuot sa'kin ng magarang damit... Nice na mahinhin at sobrang gaan sa pakiramdam. Nice na akala mo mahina... 'yun pala may ibubuga rin sa dragon... I'm sure ginawa niya 'yun para magligtas ng tao... Sure ako d'un. Gan'ong kalaking dragon... kayang sumira nu'n ng isang buong syudad! First time ko makakita ng dragon! At parang sa mga napapanood ko na pelikula, malaki at... terrible. Kung mayroon lang akong lakas... Kung meron lang akong kapangyarihan... Kung meron lang... Kung meron lang...
Iniligtas na kita.
"L-let's t-teleport? Tony!? Kaya natin pumunta d'un in an instant 'di ba?" Tanong ko pa ulit at kahit anong paghangin sa paligid niya at sa paligid ko... hindi pa rin... hindi pa rin kami maka-teleport.
"W-walang p-portal Lienel... H-hindi ko alam kung b-bakit may state of emergency na, saka pa nawala ang p-portal... N-napaka-i-imposible *iyak* *iling* Hindi ko alam kung bakit?"
"Teka, 'wag ka munang mawalan ng pag-asa... g-gagawa tayo ng paraan. I-I am K-Kaiser's wife remember!?" Biglang tumigil ang pag-iyak niya at nanlaki ang mga mata niyang napatingin sa'kin.
"T-tinatanggap mo na?"
Ang alin?
"Huh?"
"Na asawa ka ni Kaiser ano pa ba!?"
"K-kung 'yun lang ang paraan... H-hindi ko na iisipin ang sarili ko." Naiilang kong sabi. "A-alam mo ba kung n-nasa'n si K-Kaiser?"
Tumango siya nang tumango.
"Tama... kung ikaw ang tatawag sa kaniya... sigurado!" Napatayo siya.
Umihip ang hangin sa paligid at nakita ko ang tempo mula sa malayo. Nawala ako sa pagkakaupo ko sa upuan kaya napaupo ako sa sahig ng sobrang sakit! That was a rude teleport! Napahipo ako sa puwet ko, at sinamaan siya ng tingin.. "'W-wag ka namang padalos-dalos... kaya rin ako muntik mamatay eh... dahil sa'yo, remember?"
Napaluhod siya at nagkiskis lang siya ng kamay sa harapan ko. "Sorry... sorry! Sorry na please..."
"Apology accepted. Wala namang nangyaring masama. Pero mag-ingat ka pa rin, hindi ako makapangyarihan. Isang tulak mo lang baka mamatay na'ko." Warning ko sa kan'ya.
"Sorry..."
"Intindihin mong kailangan kong alagaan ang sarili ko para mailigtas natin si Nice, okay?"
"Sorry... h-hindi na mauulit. I'm in your mercy! Follower! Susundin ko lahat ng utos mo, maligtas lang natin si Nice! Pangako 'yan!"
*lunok*
Anong pinagsasabi mo Tony? You're a friend to me! Kaya ko 'yan nasasabi. Haist!
Pero may mapanggagamitan ako ng words na 'yan. Words are powerful 'di ba? But the condition is... I have to save my friend. It's not that, you're not my friend Tony. But this world is run by words. I can use it later.
"Now what? Let's go?" Aya ko at nauna ng maglakad sa kaniya. For some reason, hindi siya nasunod sa aking nilalakaran. "Ano ka ba? Let's go?"
"H-hindi ako makakapasok diyan?"
"Huh bakit!?"
"M-may barrier at hindi sapat ang l-lakas ko para makapasok s-sa loob."
Huh? Paano ako nakapasok? Wala akong power no!? Buang 'to?
"Listen, kung tungkol lang 'yan sa kapangyarihan... wala ako okay? Kaya 'wag ka nang mag-inarte. Pasok na!"
"W-wala nga-"
Hindi pa siya natapos sa pagsasalita nang, naramdaman ko ang pagtaas ng katawan ko sa pagsakal ng kung sino mang lalaki sa harapan ko.
*cough*
*palo*
*cough*
"Bitawan mo siya Lucifer!"
"I'm The Evil One, Lucifer, the left guard of the temple. I cannot allow disruption of any reason to disturb the praying God, Kaiser."
"Si Lienel 'yan! Asawa siya ng Diyos!" Sigaw ni Tony habang pinupukpok ko ang kamay ng Lucifer daw para ialis ang sakal niya. M-masakit! Malalagutan na ako ng hininga! T-tulong!
"Tama ka sa isang bagay. Siya si Lienel, pero hindi siya ang asawa ng Diyos. Nakikita ko ang kaniyang katayuan... Ikapitong ranggo ng katulong? How dare you to 'even' bring her here! Death awaits her!"
Lalo niyang diniinan ang pagpisil sa leeg ko. Crap!
*cough*
*palo*
*cough*
*cough*
*palo*
*cough*
Nakita ng sulok ng mata ko ang string na pula at pinilit kong abutin ito. I-ito ang s-string n-na-nakita ko 'to dati...
Pero nagulat ako ng may humawak sa kamay kong bubunot pa lang ng pulang string.
"You're not going to disturb God!" Sabi nitong Lucifer. Siya! Ang nakahawak sa kamay ko!
A-anong ginagawa mo Tony? Bakit nagpuputol ka rin ng maraming string diyan?
W-wala na akong magawa kaya ibinaba ko na ang mga kamay ko. I can feel the lost of my strength. This is it, goodbye to myself.