DIANE POV Napahawak ako sa tiyan ko, this time, nagbago ang isipan ko. Kailangan kong magsinungaling kay Uncle na buntis ako dahil baka malagay pa ako sa alanganin- kaming dalawa ni Denver! "Pero yun nga eh..." "See? Mayroon kayong anak dalawa? Give your relationship a chance para mag work. Mabuti sana kung walang mga malalaking bagay na nakasalalay dito di ba? Be practical, I am not saying na maging perfect ang relationship ninyong dalawa. Siguro madadaan naman ito sa usapan eh!" Bahala na si Uncle sa gusto niyang mangyari. Basta after six months ng toxic relationship naming dalawa ni Denver, I am going to let go of him. I deserve a better man than him! Hindi ko na siya kinibo pa. At pagkatapos lamang ng ilang minuto na biyahe naming dalawa ni Uncle Ronald, nakarating na rin kami sa

