DENVER POV All of a sudden, bigla na lamang naging mainit ang tingin nitong si Coby sa akin. Para bang inaakit niya ako sa kanyang tingin. Kaagad akong nagduda sa totoong pagkatao niya. Is he a gay or what? Nawala lang si Diane tapos naging ganito na siya? He is acting weirdly all of a sudden. "Siya nga pala pare, mukhang madaling magalit ang asawa mo ha?" wika niya, lumambot ang boses nitong kanina ay tigasin. "Ganun talaga kami. Sanayan lang naman yan, mamaya o bukas, siguradong maayos na ulit kaming dalawa. Ganyan naman talaga ang mga babae. Hindi mo rin talaga maintindihan ang pag uugali nila." Napakamot siya ng ulo, "Really? Kasi sa totoo lang never pa akong nagkaroon ng girlfriend sa buhay ko eh!" Napakunot ako ng noo, hindi ako makapaniwala na wala pa siyang nagiging girlfrien

