DIANE POV Hinawi ko ang buhok ko. Naupo siya sa sahig na malapit sa aming tent kaya napaupo na rin ako sa kanyang tabi. Sabay naming pinag masdan ang kalmadong dagat sa aming harapan. Kung kanina ay sobra akong naba badtrip kay Denver. Ngayon naman ay sobrang ganda ng mood ko kasi nasa tabi ko si Coby. Feeling ko nga ay binabantayan niya ang bawat kilos ko at tinimingan na wala si Denver. But it was okay for me kasi baka trip niya rin ako. Ilang sandali ang lumipas, binasag na rin siya sa wakas ang katahimikan. "Yung totoo? Bakit hindi ka yata sinama ng asawa mo sa surfing niya?" "Eh ayaw niya eh!" sagot ko, habang nakatitig siya sa karagatan, ako naman, pinagmamasdan ko ang kanyang gwapong mukha na pinaka magandang view na nakita ko ngayong araw. And I think na sobrang aware siya na

