Desperas ng bagong taon. Alas otso na ng gabi, kaliwa't kanan ang mga handaan, mga maiingay na torotot dahil sa mga bata, mga nag-iinomang matatanda at naglalarong mga dalaga't binata sabayan pa ng mga halakhakang nagpakagaang pakinggan dahil sa totoong ngiting nakaguhit sa mga mukha nila. Mga taong naghihintay sa pagpasok ng bagong taon. "Kamusta jan, hindi ka ba nilalamig? Hindi ka man lang nagpaalam sa akin bilang girlfriend mo" rinig kong wika ni Centhia sa kausap nilang si Kenny. "Che, girlfriend mo mukha mo ilusyonada ka rin no pakain kita sa crocodile namin eh" wika ni Kenny na tinawanan lang ng dalawa tapos si Centhia naman hindi na maipenta yung mukha. "Grabe ka naman sa akin love, parang wala tayong pinagsamahan ah, eh nung nasa isla pa kaya tayo grabe ka kung maka yakap s

