MARTIN’s POV "Kamusta naman ang pagsasama nyong dalawa sa iisang bahay doon?" tanong ng aking Panginoon sa amin dalawa ni Yohan na nagpahinto sa aming paglalakad. Napatingin naman kami sa isa't-isa ni Yohan habang nanlalaki ang mga mata, siguro ay kagaya ko ay nagulat din sya. Paano nya nalaman yun, possible kaya na alam din nya ang tungkol sa'min ni Yohan? "Oh, anong nangyari sa inyo ba't kayo napahinto?" wika ni Panginoong Regio, na nasa harapan namin. "Wala po, may sinabi lang po ako kay Yohan sandali, " pagpapalusot ko at saka ko hinatak si Yohan papunta sa kinaroroonan nya para magkapantay kami sa paglalakad tatlo. "Ang ibig kong sabihin ay kamusta ang lagay nyong dalawa doon sa mundo ni Yohan?" buti naman at iba pala ang ibig sabihin nya sa sinabi nya kanina, nakahinga naman ak

