"Pinuno, may bago pong ipinahiwatig ang aking mahiwagang tungkod, tungkol po ito sa bagong Ilinahad, " wika ng matandang hukluban na nagpagulat sa kanya.
"At ano itong bago mong natuklasan? Mag salita ka!" sigaw nya dito dahil sa hindi malamang dahilan ay bigla syang kinabahan. Nataranta naman ang matanda dahil sa nakikita nyang expresyon ng kanyang kaharap.
"O-opo, ang aking tungkod ay naramdaman pong muli ang kapangyarihan ng Ilinahad, na halos dalawampong taon ng hindi nagpapapakita ng pahiwatig, " wika ng matanda, bigla namang nabuhayan ng loob ang lalaki ,ang buong akala nya'y nagbalik din ang taong gumapi sa kanya noon.
"Isa lang ang ibig sabihin nito, may bago na namang ilinahad ang hahadlang sa aking mga plano, tingnan natin kung kakayanin nya ako ngayon, " wika ng lalaki habang may tono ng pagkasabik. Pagkasabik na makaharap ang susunod na Ilinahad, "utosan mo ang iyong tungkod na ipakita ang mukha ng tinutukoy nitong bagong ilinahad, ngayon din!" utos nya sa matanda .
Bigla naman yumuko ang matanda, "patawad master, ngunit sinubukan kong tanungin sya kahapon pa, pero marahil ay yun lamang ang kanyang naramdaman, hindi sakop ng aking tungkod ang magpakita ng pangyayari sa halip ay makakaramdam lamang ito, " wika nya na may kaba sa sarili.
Kumuyom ang kamao ng lalaki, "walang silbi! Umalis ka sa harapan ko habang nakakapagtimpi pa ako sa'yo, alis!" sigaw ng lalaki sa matanda saka sinenyasan ang mga kawal na kaladkarin ang matanda paalis sa kanyang harapan na agad naman nilang sinunud, walang nagawa ang matanda kundi magpati-anod sa ginagawa sa kanya ng mga kawal.
Hindi sya kapanalig ng lalaking tinawag nyang Pinuno kanina, isa sya sa limang bihag nito simula nang nakipaglaban ito sa planetang mimic noon, isa syang mahikero at tapat sa hari noon. Nang isang araw ay bigla syang dinakip kasama ang apat pa nyang kasama at ginamit laban sa sarili nilang hari, labag man sa kanyang kalooban ngunit kailangan nyang gawin yun dahil para narin sa kanyang kaligtasan.
Matapos maka-alis ang matanda sa kanyang harapan ay agad syang umupo sa kanyang trono para humupa ang kanyang nagsisidhing galit sa kanyang loob dahil sa limitasyon nito, ngunit gustuhin man nya itong paslangin pero hindi nya magawa sapagkat kakailanganin pa nya ang angking katalinuhan nito pagdating sa panggagamot sa kanyang malubhang karamdaman.
"Hinihintay ko ang ating paghaharap at sisiguraduhin kong buhay mo ang syang kabayaran sa kasalanan ng mga magulang mo, " sabi nya sa kanyang sarili saka sya naglaho na parang bola.
***
YOHAN’s POV
Nagising akong dahil sa pagkahulog ko sa kama, sapo-sapo ang aking ulo habang naglalakad palabas ng kwarto namin ni Martin.
Pagkarating ko sa kusina nakita ko sya doong nagtitimpla ng dalawang basong kape, yung isa siguro ay para sa akin, mas gusto ko kasi ng kape sa umaga kaysa sa gatas para buhay na buhay talaga ang dugo ko.
Tiningnan nya ako sandali tapos bigla naman syang nagiwas kaagad, pagkalapit ko sa kanya ay agad nyang binigay sa akin yung isa pero hindi pa rin tumitingin sa gawi ko.
"Salamat, " sabi ko at tumango lang sya.
"Ba't may pasa ka sa labi?" tanong ko.
"Wala yan, nahulog kasi ako sa hagdan kagabi kaya ayan nasubsub yung labi ko"
"May masakit ba sa'yo?" bigla nyang tanong.
"Meron, sa bandang balakang ko, " bigla namang lumaki ang kanyang mata.
"Nahulog kasi ako sa kama kanina tapos naunang lumapag sa sahig yung pang-upo ko kaya ayun masakit pa rin hanggang ngayon, "pagpapatuloy ko, bumuntong hininga naman sya.
"Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit pati sa loob ay parang may hapdi akong nararamdaman, " lumuwang naman ng bahagya yung bibig nya.
"Ahh—ehhh, Yoh may gusto akong sabihin sa'yo, " sabi nya na halatang natataranta.
"Hmmm, " sagot ko habang umiinon sa aking kape.
"Ang totoo kasi ay—"
"Bes magligpit na daw kayo ng gamit nyo dahil aalis na daw tayo mamaya para umuwi." Hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil sumabat naman si Kenny na ang talim ng tingin sa kanya.
"Ok bes, sandali lang, ah Martin ano nga yung gusto mong sabihin sa akin kanina?" tanong ko kay martin.
"Wala yun, yung sinabi ni Kenny, oo yun nga, yun din sana ang gusto kong sabihin," sabi nya. Pero bakit parang may iba pa, tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon
Saka ako bumalik sa kwarto para magligpit ng mga damit ko.
Kaya ako nahulog sa kama kanina dahil sa pagkabigla ko, paano ba naman, napanaginipan kung nag-anohan daw kami ni Martin tapos ako pa daw itong dominante, para nga akong leon dun na parang isang taong hindi kumain dahil sa pagkaagresebo ko.
***
MARTIN’s POV
Gusto ko na talagang sabihin sa kanya ang lahat kung hindi lang talaga dumating si Kenny para pigilan ako, kailangan ko kasing sabihin sa kanya dahil parte iyon ng paglabas ng kapangyarihan nya.
Kay hirap naman kasing sabihin sa kanya ang katotohanan, baka kapag sinabi ko ay iwasan na nya ako, pero sya naman din yung unang sumungab sa akin eh kaya nadala ako, basta sasabihin ko sa kanya mamaya para matapos na tong lahat, alam ko namang pareho kaming nasarapan sa ginawa namin eh.
Matapos kasi ng nangyaring pagkahuli sa amin ng tatlo kagabi ay bigla akong sinuntok ni Cedrick kaya nagkaroon ako ng pasa sa labi, tapos pinagalitan pa ako nila Kenny dahil sinamantala ko daw ang kahinaan ng kaibigan nila, sinubukan kung magpaliwanag pero kahit saan banda tingnan kasalanan ko talaga ang lahat, kung bakit ba kasi ang lakas umungol ni Yohan, ayan tuloy nahuli pa kami.
Nang maubos ko na yung kape ko ay agad na akong sumunod kay Yohan sa kwarto para ligpitin na rin yung mga gamit ko.
Nang nasa b****a na ako ng pinto ay bumunot muna ako ng malalim na hininga saka pinihit ang door knob.
"Ito na talaga sasabihin ko na sa kanya ang totoo, kaya ko to."
Pagbukas ko ng pinto nakita ko sya doon na nakatulala na nakaupo sa kama, napansin nya siguro ang pagbukas ng pinto kaya agad syang napabalik sa katinuan nya, pero napansin kong namumula yung mukha pati na rin yung tenga nya, ang cute nya talaga kapag namumula parang nagmumurang kamatis.
"Ahm, may gusto talaga akong sabihin sayo Yoh, kanina pa." Bulalas ko habang nakapikit, bakit kinakabahan ako hayst.
"Para ka naman hindi sundalo nyan sa ginagawa mo, " kausap sa akin ng consensya ko.
"Anu yon—"
"May nangyari sa atin kagabi, " walang preno kong sabi sa kanya sa mahinahong tono. Ngayon yung mata na naman nya yung lumaki at napaawang ang kanyang labi.
***
YOHAN’s POV
So hindi pala talaga panaginip yung na-aalala ko, ibig sabihin totoo talaga lahat ng yun, OMG hindi na ako berhen.
"Pa—pakiulit nga ng sinabi mo? " wika ko.
Bumuntong hininga sya, pero imbes na ulitin nya ay nagpaliwanag na lang sya.
"Alam kong mali ako dahil kahit na ikaw pa tong nang-akit sa akin ay ako pa rin ang nasa hustong katinuan kaya dapat hindi ako nagpadala sa tukso, pero kasi mahal lang talaga kita kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na tugunin ang bawat galaw mo. "
Bigla naman akong nahiya sa sarili ko, ibig sabihin ako nga talaga ang naging dominante. Ang laswa ko naman.
"Pero wag kang mag-alala may magandang nangyari naman dahil dun sa ginawa natin eh, " napa angat ako ng tingin dahil sa winika nya at kumunot ang noo ko.
"Lumabas na ang kapangyarihan mo, " sabi nya na may ngiti sa labi.
Natahimik ako sandali.
"Paano, bakit?" tanong ko
"Akala ko sa babaeng ilinahad lang eepekto ang ganong pangyayari, pero dahil ikaw siguro ang kauna-unahang lalaking ilinahad kaya pwede iyon sa'yo, " pagpapaliwanag nya pero hindi ko pa rin na-intindihan.
Kaya bumuntong hininga sya.
"Okay, subukan mong pumikit saka i-angat mo ang isang kamay mo na tama lang para pumantay sa dibdib mo saka isipin mong nagkakaroon ng apoy ang palad mo."
Nagtataka man ay sinunod ko na lang ang sinasabi nya, pumikit ako saka inangat ang kamay ko at nag-isip na magkakaroon ng apoy ang palad ko, mga ilang minuto din akong nakapikit at nang marinig kong nagsalita si Martin ay ibinuka ko na ito.
...
Totoo nga! May kapangyarihan na nga ako kaya napangiti ako, pero agad naman itong nawala dahil...
"Apoy yung inisip ko pero bakit tubig ang nandito?" pagtatanong ko.
"Maaaring hindi mo pa gamay ang iyong kapangyarihan kaya hindi mo pa ito na-ipapalabas ng maayos pero wag kang mag-alala tuturuan naman kita ng maayos para magamit mo na ito sa lalong madaling panahon. " Pagpapagaan nya sa loob ko dahil siguro napansin nyang parang maiiyak ako kaya lumapit sya sa'kin saka nya ako niyakap, nabigla man pero sinuklian ko na rin sya ng yakap na mas mahigpit pa sa kanyang ibinigay na yakap, ilang minuto rin kaming nanatili sa ganoong posisyon saka ako bumitiw pero hindi pa rin kami tumitigil sa pagtititigan sa isa't isa. Nilibot ng paningin ko ang buong mukha nya ang gwapo talaga ng lalaking to hindi ko talaga makwekwestyon kung bakit ako nagkagusto sa kanya.
Hanggang sa unti-unti nyang linalapit ang kanyang mukha sa mukha ko kaya napapikit na lang ako at hinihintay ang susunod nyang gagawin, ilang sandali lang ay naramdaman ko nang dumampi na ang kanyang labi sa labi ko, nagpalitan kami ng mga halik habang nakakapit ang mga kamay ko sa may batok nya at sya naman ay sa pisngi ko sa pagkakataong ito kapwa na kami nasa aming mga wesyo hindi katulad kagabi na sya lang.
Nang maramdaman kung unti-unti ng bumababa ang kanyang kamay sa katawan ko ay agad ko na syang pinigilan.
"Tama na, baka san na naman to mapunta, " natatawa kong kuda na tinawanan lang din nya.
"So, tayo na?" tanong nya
"Anong tayo na, ano ka seneswerte, ligawan mo muna ako, " pagpapabebe ko na tinawanan lang nya.
"Okay sige walang problema, kahit araw-araw pa kitang ligawan at mas pagsilbihan ay gagawin ko, maging opesyal na akin ka lang, " kuda nya na may ngiti sa labi kaya napangiti na rin ako sa pagkasensero nya.
"Sus, ang keso ah, alien ka, " biro ko.
"Mahal mo naman, " sabi nya.
"May sinabi ba ako?" pang-aasar ko bigla namang umasim ang mukha nya sabay pout pa.
"Joke lang, to naman. " pagbabawi ko.
"Sabihin mo munang, aylabyu. "
"Ihh, sa susunod na kapag sinagot na kita."
"Gusto ko ngayon na~" parang bata nyang pangungulit.
"Bahala ka, hindi na lang kita sasagutin kasi hindi ka naman pala marunong maghintay eh. "
"To naman di rin mabiro, ok na nga maghihintay na ako. "
"Good, dapat ganyan, dapat marunong mahintay. "
"Kiss na lang— "
"Suntok gusto mo? " nagpout sya, saka ko binigyan ng smack kiss sa pisnge na nagpabungisngis sa mokong.
***
Mga bandang alas dyes (10) ng tanghali kami umalis, saka alas 5 kami ng hapon nakarating sa bahay.
Syempre tabi pa rin kami ni Martin sa upuan, nahiya nga ako kasi inaasar ako ni Kenny na ayaw ko daw manood ng p**n dahil gusto ko daw live kaya ayun nabatukan ko ang impakta, tabil ng dila eh. Nahuli pala kami nilang tatlo, ang epic nun buti na lang talaga wala ako sa katinuan ng mga panahong yun dahil kung hindi dobleng kahihiyan ang mararamdaman ko.
Pagkarating namin sa bahay ay nagluto muna si Martin ng pagkain namin, tinutoo nya talaga nya yung sinabi nya na mas pagsisilbihan pa nya ako, paminsan-minsan nga eh nagnanakaw sya ng halik sa akin tapos advantage pa nya na hindi ko sya mahuhuli dahil ginagamit nya ang bilis nya.
Hanggang sa pagtulog nga ay tabi kami, yung kama nya ay idinikit nya sa'kin para magkasya kami, yung kama ko kasi is pang-isahan lang.
***
Nagising ako dahil sa likot ni Martin, pagtingin ko sa kanya ay pinagpapawisan sya kaya pinilit ko syang gisingin.
"Martin, gising binabangungot ka yata, Martin!" yugyug ko sa kanya.
Bigla naman syang nagising habang habol-habol ang hininga nya.
"Anong nangyari sa'yo?" tanong ko sa kanya dahil nag-aalala na talaga ako.
"Kailangan na nating kumilos, may ibinigay na babala ang panginoon namin, na kailangan mong makumbense ang apat na bathala ng kalikasan, na sumanib sayo upang maging buo ang iyong kapangyarihan, dahil nakita nya sa kanyang pangitain na may nagbabadyang darating na panganib, " sabi nya na nagpakaba sa akin.
Kaya ko ba? Kaya ko bang harapin ang parating na panganib na yan.
"Pero asan naman natin sila hahanapin? "