MARTIN’s POV
"Pero bakit kapag hinahawakan kita may lumalabas din sa katawan mo na kulay kahel (orange) na usok. Anong ibig sabihin nun?"
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya, di ko alam kung malulungkot ba ako o magagalak dahil sa mga katagang lumabas mula sa bibig nya.
May lumalabas na kulay kahel na usok mula sa katawan ko? Isa lang ang kahulugan nito, malaki ang parte nya sa hinaharap ko at base sa mga usap-usapang narinig ko doon sa Planeta namin kapag ang pagkakataon na ito ay mangyari, ang taong humawak sa'yo ay ang—
"Ahhhh!" naputol ang pag-iisip ko dahil biglang sumigaw si Yohan mula sa kusina, agad ko naman syang pinuntahan para makita kung ano ang nangyayari.
"Bakit?" sabi ko nang makapasok na ako sa kusina.
"Ss-sino Sila?" tiningnan ko yung tinuturo nya, natawa na lang ako ng bahagya, oo nga pala't hindi ko nasabi sa kanya na iba yung itsura ng mga kawal namin sa Mimic.
"Ba't ka tumatawa?" inis na usal nya.
"Wala" bigla akong naging seryoso
"Sila yung mga kawal namin sa Planetang Mimic na kasama ko para bantayan ka," sabi ko sa kanya.
"Eh b-bakit ganyan yung mukha nila, di'ba sabi mo kanina kawal ka din sa planeta nyo, yun nga lang ikaw ang heneral, pero bakit iba yung mukha mo kumpara sa kanila?" halata sa boses nya na kinakabahan at natatakot sya sa mga mukha ng kaharap nya.
Yung mukha kasi ng mga kawal namin doon ay yung balat nila ay katulad ng sa buwaya kulay asul din yung balat nila , mayroon silang buntot pero hindi masyadong mahaba , yung mata din nila ay tatlo yung isa nasa noo tapos yung ilong nila walang butas, nakakahinga pa rin naman sila dahil sa ilalim ng baba nila mayroong parang hasang at doon lumalabas at pumapasok yung hangin para sa katawan nila. Yung mga daliri naman sa kamay nila ay tatlo lang at sa paa naman ay apat. Kung hahawakan mo rin sila mararamdaman mo yung katigasan ng kanilang mga balat pati na rin yung gaspang nito. Hindi din sila nakakapagsalita dahil wala silang mga bibig, ngunit malakas ang kanilang pandama at pandinig.
"May tatlo kasing lahi ang nakatira sa Mimic—
Ang mga Vasilikos o Maharlika, sila yung mga mimician na nakatira sa Palasyo o may Royal Blood.
Ang mga Sevaraian, sila yung mga taong normal lang ang estado sa buhay doon din ako nabibilang.
At ang mga Reptelyar, doon sila nabibilang (pagturo ko sa mga nasa harap namin) sila yung mga mimician na isinilang na may roong natatanging kakayahan, lahi lamang nila ang may kakayahang maglaho at hindi kumain ng isang taon ngunit mabubuhay pa rin kung pagbabasihan natin sa oras ng inyong mundo." Pagpapaliwanag ko sa kanya mukha naman syang naniniwala dahil tango lang sya ng tango.
"So, you mean all this time nandito na sila sa Boarding house ko at nagmamasid lang sa bawat kilos ko at sa'yo?" tango lang ang sinagot ko sa kanya.
"Sa katunayan, mas nauna sila sa akin ng isang araw na nakarating dito," nanlaki naman ang kanyang mata dahil sa sinabi ko. At bigla na lang niya akong sinuntok sa dibdib pero mahina lang naman, siguro malakas yun kaso para sa akin ay mahina lang.
"Pati sa pagligo at pagbibihis ko, nakikita nila ako?" medyo galit na nyang sabi.
"Oo, pero sa pagbibihis lang naman hindi naman sa pagligo kasi kapag nasa loob ka nang banyo ay binabantayan ka lang nila mula sa labas."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin," medyo mahinahon na nyang sabi pero halata pa rin ang galit.
"Kasi wala namang kwenta kung sasabihin ko pa sa iyo."
"Meron yun!" sumigaw na naman sya.
"Wala namang masama kung makita ka nilang nagbibihis dahil hindi naman nila yun masasabi sa iba, kung anong nakita nila ay sa kanila na yun hindi naman nila yun masasabi sa iba dahil nga wala silang bibig," pagpapaliwanag ko.
"Kahit na, dapat sinabi mo pa rin sa akin para naman ma-aware naman ako sa mga nangyayari dito sa loob ng BH, kaya pala paminsan-minsan may naririnig akong nahuhulog tapos pagtitingnan ko wala namang tao."
"Hindi ko sinabi sa iyo kasi alam kong matatakot ka at hindi maniniwala , hindi ka nga naniwala sa akin nung sabihin ko sa iyo na kakaiba ka ito pa kaya, baka himatayin ka lang," sabi ko sa kanya siguro naman mauunawaan na niya ako ngayon.
Bumuntong hininga sya senyalis na naiintindihan na nya ako sa wakas.
"Okay , pero sa susunod wag mo nang itatago sa akin kung ano pang mga kababalaghan na mangyayari sa buhay ko," sabi nya habang naka crossed arm.
"Masusunod mahal kong reyna" pang-aasar ko sa kanya na sinabayan ko ng pag-ngisi.
"Mahalin mo mukha mo," bigla naman akong natawa dahil sa reaksyon nya. Namumula kasi yung mukha nya.
"Bakit ka namumula?" pagtatanong ko, bigla naman nyang itinago yung mukha nya sa akin.
"Ahh. Eh. Wala to ma-init kasi" pagdadahilan nya.
"Huh, hindi naman ma-init ah, patingin nga" hinawakan ko yung noo nya , yung leeg nya pati na rin yung pisngi nya, agad naman nyang tinapik ang kamay ko at nag-iwas agad ng tingin.
"Wala ka namang sakit pero bakit ka namumula pati na rin yung tenga mo namumula na ngayon," sabi ko sa kanya.
"Wala nga, kakulit nito!" sabi niya at tinakpan ng kanyang dalawang kamay yung tenga nyang namumula.
"Ahh may gagawin pa pala ako sa kwarto dyan ka na muna," pag-segway nya sa topic. Agad naman syang kumaripas ng takbo papasok sa kwarto namin.
"Anong nangyari don?"
Muntik ko nang makalimutang magpakilala, Ako nga pala si Fortem Custos pero yung ginagamit kong pangalan dito sa earth ay Martin dahil ayon sa nalaman ko yung pangalan ko ay medyo weird sa pandinig ng mga tao dito sa earth kaya kailangan kong mag-iba ng pangalan na gagamitin. Mga 5'11 yung taas ko, maputi, matangos yung ilong , hazel na kulay ng mata, kissable lips at yung best asset ko ay yung mataas kong pilik mata at magandang pagkaka-gupit ng buhok. May 6 pack abs din ako tsaka medyo maskulado yung katawan ko dahil sa mga ensayo na pangmilitar sa planeta namin.
Marahil nagtatanong kayo kung bakit marunong ako ng mga salita ng tao dito sa earth, simple lang.
May kapangyarihan akong mag-adopt ng environment, bigay ito ng panginoong Regio nang inutusan nya akong pumunta dito sa earth at bantayan ang Ilinahad, kaya madali lang akong nakapag-adjust dito sa earth at isa pa makukuha ko ito kapag hinawakan ko yung tao na nakatira sa environment na iyon, si Yohan ang nakuhanan ko ng kaalaman simula nung iligtas ko sya mula sa muntikang pagkakahulog sa bangin, oo ako ang nagligtas sa kanya noon, isa pang ikinagalak ko sa kanya ay dahil matalino sya at marami syang alam sa mga bagay-bagay dito sa Earth kaya hindi na talaga ako nahirapang mag adjust.
"Ah Martin," tawag sa akin ni Yohan na nasa b****a ng pintuan papasok dito sa kusina. Ilang minuto na pala akong nagmumuni-muni dito. Agad ko syang nilingon at napansin ko ring wala na yung pamumula nya.
"May gusto lang akong itanong." Medyo malumanay na yung tinig nya ngayon
"Ano yun?" pagbibigay halintulot ko sa kanya.
"Ilang Rapture—"
"Reptelyar," pagpapatuloy ko sa kanyang gustong sabihin.
"Oo yun nga, ilang reptelyar ba ang dinala mo dito sa BH(Boarding House)?" pagtatanong nya.
"Mga Tatlumpo" sagot ko
Kalahating minutong katahimikan na wari'y nag-iisip sya, wala syang ginawa kundi tumitig lang sa akin na para bang kakainin na nya ako ng buhay dahil sa paraan ng pagtitig nya, pagkatapos ay bigla syang sumigaw na halos ika-giba ng buong kusina dahil sa napakalakas na pagsigaw nya.