Ibinaling niya ang pagkainis sa pagrereview. Binuksan lahat ng libro na para sa exam niya bukas. Ngunit ilang minuto na rin ang nakakalipas, ni isang kataga'y walang naa-absorb ang utak niya. At ang isiping papasok na rin anumang minuto si Arthur ay lalo pang nagpapagulo sa lahat. Marahas niyang naihilamos ang palad sa mukha at iwinasiwas ang ulo, hoping na sana'y mawala na ang unnecessary things na laman niyun. "Mag-concentrate ka Skye, finals na hindi ka pwedeng magpabaya." Kausap niya sa sarili. Napatingin siya sa pintuan. Tuksong bumalik sa isip ang nangyaring insidente doon. Wala sa sriling napahawak siya sa sariling labi. Ano bang nangyayari sa kanya? Doon saktong bumukas ang pinto at pumasok si Arthur. Agad siyang tumingin sa kabilang direksyon. Narinig niya ang pagpasok nito sa lo

