Naalimpungatan si Arthur sa musikang pumupuno sa buong kabahayan. Kinuha niya ang isang unan at tinakpan ang tenga, umaasang makakabalik sa pagkakahimbing. Ilang oras palang ang nagiging tulog niya mula nang dumating siya mula sa Ilocos kung saan kulang dalawang linggo din siyang na-assign dahil sa isang malaking project ng kompanya nila doon. Pinilit niyang pumikit ngunit mas nangingibabaw ang tunog ng speaker sa buong kabahayan. Kasalukuyang pumapainlanlang ang mabilis na beat na kanta ng Westlife. Kasabay nun ay ang malakas na sigaw ng mga audience na tila siya nasa isang live concert. He cursed silently at pabalibag na bumangon sa kama. Ganito ba ang ginagawa ni Skye sa panahong wala itong kasama? Well, not that he mind. Sa panahong nasa Ilocos siya'y laman ng isip ang dalaga. Alam

