Kinagabihan ay binalak ni Skye ang magsabi kay Arthur ngunit late na ito nakauwi. Hindi niya rin ito nakita kinaumagahan dahil tulog pa ito nang umalis siya. Ganoon din nang sumunod na araw. And the next day after, she tried pero inunahan siya ng kaba. And then one morning... Finally, this is it! Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Ang dalawang palad na nasa ilalim ng mesa ay parehong mahigpit na magkasalikop. Habang si Arthur naman ay tahimik na umiinom ng kape, ang mata'y nasa binabasang dyaryo. You have to tell him casually, ano ba Skye! Pag-uudyok niya sa sarili. Lumamlam ang mga mata niyang nakatitig rito. But he's face looks so peaceful this morning. Bigla siyang natigilan dahil sa naisip. Pero kahit anong deny niya sa sarili ay parang magnet talagang nahihipnotismo ang mga mata

