"I just... " Skye stopped and hesitated. "I just thought he's different." She kept her eyes away to hide her tears! She's starting to get melodramatic. Totoong gustong-gusto niya kasi si Wilson.
Si Arthur ay itinukod ang siko sa bar at minasdan ang dalaga. "You're still young, Skye."
Lumabi ang sinabihan. She won't buy it! May iba na mas bata sa kanya pero nag-asawa nang maaga. Besides, anong alam nito sa bata. He is known as a womanizer, malamang ay katulad rin ito ni Wilson. She voice out her thoughts.
Ipinagkibit-balikat bi Arthur ang komento ni Skye patungkol rito. Pero nagbigay ng sariling komento patungkol sa sitwasyon ng dalaga. "Hindi ba mas okay na habang maaga ay nalaman mo ang totoo? No harm done, madali kang makakapag-move. Marami pang mas matatabang isda sa dagat."
Hindi siya nakasagot. He was right tungkol sa huling statement nito. Pero madaling mag-move on? Wilson is her first heartache at parang naninikip ang dibdib niya sa pinaghalo-halong emosyon para rito. Though Arthur was right, maswerte na rin siya at habang maaga ay nalaman niya ang totoong intensyon ni Wilson sa kanya.
"And I wonder why are you wasting your time talking to me?" Takang tanong ni Skye at humarap rito saka tumingin sa paligid. Ilang babae ang nakatingin sa binata at umaasang mapansin ng lalaki. Ibinalik niya ang mata rito. At hindi man lang nagtangkang mag-iwas ng tingin ito. Sa paningin niya pa nga niya ay kumikislap ang mata nito sa pagk-aliw. "
Arthur was constantly taking a shot of scotch pero ikinabilib ni Skye ang tila hindi pag-epekto ng alak rito. Nanatiling normal ang ekspresyon ng gwapong mukha nito. Unlike her na kung kelan cocktail drink nalang ang inorder ng binata para sa kanya ay saka naman siya tila tinatablan. "Gusto kong kausap ka for a change." Nangingiting sagot nito. "You don't look eighteen when I first saw you. Akala ko pa nga'y fifteen ka lang." Komento nito out of the blue.
Naningkit ng bahagya ang mata niya. Totoo ang sinabi nito. Hindi iilan ang napagkakamalan siyang bata. Bukod kasi sa may kaliitan siyang babae at slim ay lalo siyang bumabata tignan dahil sa itim at unat na unat na haggang bewang na buhok at may full bangs pa. "O di ikaw na ang matanda." Sabay irap rito. "If I'm not mistaken ay twenty seven kana right? Oh, don't me give that surprise look Mister. Nalaman ko lang po kay ate Sunshine. She seemed to know everything about you which means she really likes you a lot." May himig ng pagka-sarkastiko ang tinig nang maalala ang panganay na kapatid.
Nagkibit-balikat ang binata. "Everyone likes me, walang nakapagtataka roon."
Alam niyang nagbibito lang ito but still gave him a wryly look. Inubos ni Skye ang iniinom saka tumayo. Kasalukuyang tumutugtog ang isang sikat na kanta ni Justin Beiber at nais niyang sumayaw. "I want to dance. This might be the last time na makakatungtong ako sa ganitong klaseng lugar hngganhg sa makaalis ako sa poder ng daddy ko. So I might enjoy it tutal nandito na rin ako." Iniwan niya ito at nagtungo sa dance floor. To her disappointment ay hindi siya sinundan ni Arthur.
Pilit niyang diniretso ang lakad at nakihalo sa mga taong nagsasayaw. Nilamon siya ng ingay ng musika at sigaw ng mga nagsasayaw na mga lasing na.
I just need somebody to love.... Ah ah somebody to love...
Nag-umpisang umindak si Skye. Sintunado ang galaw niya noong una at tila pangiti-ngiti lang sa gitna ng dance floor habang amaze sa mga taong naroon. Walang permanenteng partner an karamihan sa nakapaligid sa kanya kaya naman hindi siya na-out of place. Lahat ay nakaharap sa stage na siyang ginawa niya rin. Ang ilang mga naroon ay nginitian siya. And she smiled back not knowing that she's giving a sign to some strangers to approach her.
"Enjoying, huh?" Nakangiting sabi ng isang lalaki at tuluyang humarap sa kanya. "Nice moves you have." Dagdag nito.
She knew she's not a good dancer but she can try. Ilang beses niyang naapakan ang ibang nagsasayaw pero nagpatuloy siya.
"Relax..." natatawang sabi ng lalaki habang nagsasaayaw parin.
She did. And before she know it ay awtomatikong gumagalaw ang sarili niyang katawan. Naroong itinataas pa niya ang kamay at tumatalon sa sobrang kagalakan.
This is life! She can't stop herself from smiling widely. Ganito ang kinaiingitan niya sa tuwing naririnig niyang nagkwe-kwentuhan ang mga kaklase sa tuwing gi-gimik ang mga ito.
Nakaramdam siya ng bahagyang pagkahilo nang huminto upang habulin ang hininga.
Nilingon niya ang kinaroroonan ni Arthur ngunit waka na ito doon. Nawala ang ngiti sa labi niya at bahagyang nakaramdam ng disappointment at pagkabahala. Kanina'y nawala ang alalahanin niya dahil naroon ang binata, atleast sakali'y may maghahatid sa kanya. Oh well, may sariling buhay naman ito at hindi siya kaano-ano para pag-aksayahan ng oras para bantayan.
"Hey..." untag ng lalaking kasayaw niya. "By the way I'm Ramon." Sabay lahad ng palad.
Matagal niyang tinitigan iyun bago tanggapin. "S-Skye."
Lumuwang ang ngiti sa labi nito. "Are you enjoying? May kasama ka ba?" Tanong nito na bahagyang inilapit ang muksa tenga niya upang magkarinigan sila.
Nagulat pa si Skye nang bigla siyang hatakin ng kung sino mula sa likuran. "Yes may kasama siya."
Nilingon niya ang may-ari ng tinig. "A-Arthur?" Gulat niyang bulalas at tumingala rito.
Si Arthur ay tinignan ng masama ang lalaking nagtatangkang lumandi kay Skye. Sandaling nagsukatan ng tingin ang dalawang lalaki. Maya-maya lang din ay madilim ang mukhang tumalikod si Ramon.
"I-I though umalis kana?"
Si Arthur ay seryoso ang mukhang niyuko ang babae. "You should be thankful that I am here Skye. Hindi ka nag-iingat. You are inviting men to take advantage of you." May bahid ng galit ang tinig nito.
Bahagyang nagulat ang dalaga sa akusasyon nito. "B-But I'm not doing anything." Depensa niya sa sarili.
"Lets go." Tankang hihilahin si Skye pero nagmatigas ang dalaga.
"G-Gusto ko pang magsayaw." Nakalabing sabi niya. "Please..." parang batang pakiusap niya.
For a moment they were standing in the middle of the dance floor. Arthur was looking down at her while she's gazing up at him. Nahalinhan ng tenderness ang mata ng binata nang makita ang lungkot sa mga mata ni Skye. Napabuntong-hininga ito saka tumango.
Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ng dalaga. "Thank you." Tuwang-tuwang sabi niya at muntik pang mawalan ng balanse. Muntik na siyang mapasigaw nang maramdaman ang kamay na pumulupot sa bewang niya.
"Be careful." Masuyong sabit ng binata.
Napahagikgik si Skye. Napatingin siya sa paligid at napansin niya ang ilang pares ng matang nakatingin sa direksyon nila. Paghanga ang ipinupukol kay Arthur at pagka-inggit naman patungkol sa kanya. At bakit hindi, nangingibabaw sa lahat ang binata sa mga naroon. Somehow nakaramdam ng proudness si Skye. Marahil iniisip ng mga ito na kasintahan niya ito. At lihim siyang kinilig sa kaisipang iyun.
Napansin rin niya ang ilan sa mga kasama nilang nagsasayaw. Nabura ang ngiti sa labi nang makitang naghahalikan ang mga ito. Napalunok siya nang makaramdam ng panunuyo ng lalamunan. Why does she felt lime doing the same thing with Arthur
She ignored it and resumed dancing. Well barely, para lang siyang batang umiindak habang nakakulong sa bisig ni Arthur na marahil ay nais siyang alalayan. Hindi niya namalayang nakayakap narin ang mga kamay niya sa bewang nito.
Malamig sa kinaroroonan at warm ang katawan ng binata. Palandi lang ng kaunti. Susubukan ko lang. Gusto niyang matawa sa tinuran ng sariling isip pero na-excite siya ng sobra. Besides, hindi na masamang landiin ang isang tulad ni Arthur Martinez. Parang may sariling isip na kusang tumaas ang mga kamay sa leeg at sinalubong ang mga mata ng binata.
Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang courage na iyon ni Skye. Ilang beses siyang napalunok as she stared at his handsome face. You will never have this chance to see him this close Skye, so you better enjoy it.
"Don't try me young lady, hindi ako pumapatol sa bata." May warning sa tinig ni Arthur at naningkit ang matang nakatunghay da babaeng nasa loob ng mga bisig.
Tumikwas ang kilay ni Skye. "Really??" She said sexily though hindi siya sigurado kung ganoon nga ang dating sa binata. "Why did you kissed me back at Quantum then? Don't tell me you just wanted to save my pride. Tsk. " she giggled. "Ang macho moreno na si Arthur Martinez ay iniligtas ang isang eighteen years old gamit ang isang halik. " She teased him while still gazing up at him "Oh very sweet...
Hindi niya natapos ang nais sabihin dahil tinakpan ng labi ng binata ang labi niya.