C H A P T E R 2 1 : S T U C K "WHAT would you do if someone lies to you?" tanong ni Heather kay Elle. " . . . we have to act on it." Napalingon siya kay Hugo. He was on the stage, wearing a tux, giving an inspirational speech. Bagaman si Heather ay umismid sa sinabing iyon ng lalaki. Pakiwari niya ay ito ang sumagot sa itinanong niya. Nang lumingon si Elle sa kanyang gawi, ang pag-ismid na iyon ni Heather ay nauwi sa isang ngiwi. Paanong hindi siya ngingiwi kung mabilis ang ginawang paglingon ng tiyahin? Ang dating sa kanya ay parang agad na bumuo ng assumption si Elle dahil sa tanong niyang iyon; sinulyapan pa nito ang asawa niya bago muling ibinalik ang atensyon sa kanya. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit mas pinili ni Heather na hindi mag-open up sa tiyahin ukol sa problema ni

