E P I L O G U E "F*CK you, Jean! Buwisit ka talaga! Why did you have to leave me! I can't do this alone! I just can't..." Sinundan pa iyon ni Heather ng isa pang pagmura, isang malutong na mura. Hindi pa man lumilipas ang isang segundo ay napuno na ang silid ng mga pagdaing at iba't ibang klase ng sumpang basta na lamang lumabas mula sa kanyang bibig habang lumuluha at humahagulgol. Paanong hindi niya iyon gagawin gayong hindi na niya matukoy kung gaano na ba katagal mula nang maiwan siyang mag-isa? Mula noong pagdusahan niya ang lahat? At hanggang ngayon ay nagdurusa pa rin si Heather. Umiiyak pa rin si Heather. God! Ilang balde pa ba ang iluluha niya? Ilang beses pa ba siyang hahagulgol? Nakakasawa na. Nakakaumay na. At kung may magtatanong sa kanya ngayon alin sa mga pag-iyak niya

