C H A P T E R 3 5 : H E A R T B E A T "You sure you two are not dating?" tanong ni Elle sa kanya --- na sinadya pa talaga siya sa kanyang opisina para magtanong. Tapos na marahil ang pakikipag-brainstorming sa isang makulit na kliyente. Naroroon din si Heather kanina sa meeting. Pero dahil Biyernes ngayon at sumapit na ang alas tres ng hapon --- at siyempre weekend kinabukasan ay nagpaalam na siya na uuwi na. Ngayon ay kasalukuyang naggagayak na siya pauwi. Heather used to work overnight --- four days straight every week, so that she can time-out early every Friday. Iyon ang usapan nila ni Elle. Pumayag naman ito. Bagaman hayun at mukhang nakatunog na ang tiyahin niya. Isang buwan na sila ni Jean . . . sa isang relasyon na ayaw pa rin bigyan ng label ni Heather. Nakakatatak pa

