C H A P T E R 3 7 : S U R P R I S E ! TUMUNOG ang chat box na agad na rumehistro sa computer monitor ni Heather. It was Jean. Kanina pa siya nito tini-text pero hindi naman niya sinasagot. Ngayon ay sa social media messaging na siya kinukulit. Jean: Still no? Ang tinutukoy ni Jean, ang outreach activity ng organization kung saan ito nagvo-volunteer. Biyernes kasi ngayon at hindi na siya muli pang um-attend o pumunta roon. Ngumuso lang si Heather saka muli ay ipinagpatuloy ang pagguguhit. Nasa opisina siya, doon sa desk niya. The one she was drawing was not for a client; It was her dream house --- for Jean. Hindi na sila tumatanggap sa ngayon ng kliyente. Kulang ang resources nila pagdating sa furniture pieces na pagkukunan. Kumbaga, kung sa sinehan, full house na ang supplier. So fa

