C H A P T E R 2 3 : D I N N E R D A T E "MAY nakakatawa ba sa sinabi ko?" tanong ni Heather, maaskad ang tono, taas ang kilay. Bagaman si Jean, hindi man lang siya nilungan. Nagpatuloy lamang ito sa pagmamaneho. Nang matunton nila ang kalsada na sa magkabilang panig ay bakanteng lote, siyang naturang daanan bago pa man makalabas ng eksklusibong village na iyon, sukat na nagmenor si Jean at itinabi ang kotse sa gilid ng daan. Agad itong lumabas mula sa driver's seat, naglakad, tapos ay tinungo ang pinto sa side niya na bigla na lamang umangat ang lock. Si Heather, maski binuksan na ni Jean ang pinto, kahit nakasampa na ang kamay nito sa bubongan ng kotse at nakahawak ang isang kamay sa pintong iyon habang nakasilip ang ulo nito sa loob ng sasakyan at sinisipat ang mukha niya, hindi

