C H A P T E R 5 0 : S N A K E "KUNG MAY balak kang magpakamatay, 'wag mo 'kong idadamay!" Marahas na ibinigay ni Heather ang helmet kay Jean --- helmet na mabilis niya ring inalis nang makababa mula sa bigbike nito. Marahas at mabilis din siyang pumasok sa loob ng kabahayan ni Ron. Maski ang pagpanhik sa hagdan, mabilis din --- hindi alintana ang ang iilang tao na naglalagay ng christmas decorations. Hindi na niya tinrabaho ang paglalagay sa mga iyon. She offered Ron once pero may kaibigan daw ito na namilit at nagpresinta --- iyong coordinator ng party para mamaya. Wala namang kaso iyon sa kanya; ang kaso talaga ay ang ikinapupuyos ng damdamin niya, si Jean. "Boss? Thought you couldn't make it. What happened?" bungad sa kanya ni Tuscany na nakikinood sa mga nagde-decorate doon s

