"Third Person's POV." May isang transaksyon na nagaganap sa isang tagong bahagi ng isang cafe. Sa unang tingin, hindi mo mapapansin na mga illegal pala ang meron sa lugar na ito. Napupuno ito ng mga iba't ibang illegal na gawain. Tulad ng pagbibigayan ng bawal na gamot, shabu, sugal at iba pang maituturing na illegal. May mga babae din na nagsasayawan suot ang nagninipisang mga damit. Sa di kalayuang bahagi, ay may nakatanaw na mga tao suot ang di mapangalanang mga damit. Napatingin ang isa sa kanila sa mga babaeng sumasayaw ng malaswa. "Kinulang ata sa tela. Psh." Saad ng isang babae sa kanyang isip. Purong itim na damit ang kanyang suot, may kapa din siya at nakamaskara. Tanging kakaibang mata lamang nito ang makikita. Nakatago din ang buhok nito. Sa istilo ng kanyang pananamit, iis

