"Sabrina's POV" Bombing ang task na ibinigay samin ni Empress. Agad naming tinungo ang lugar na nakalaan para sa amin. Kasama ko ngayon si Star at sabay naming tinutungo ang lugar kung saan maraming bomba ang nakalagay. Ang isang abandonadong building. Biruin ninyo yun? May abandonadong lugar pa pala dito. Kung bakit pinanatili ni Empress ang lugar na ito ay hindi ko alam. Matanong nga sila mamaya. Ang tasks na ibinigay sa amin ay dapat mailigtas namin ang isang hostage 'daw' at dapat maiwasan namin ang mga bombang nakatago. Kung hindi, sabay kaming ililibing ng buhay. Akala ninyo ba madali lang to? Kahit pareho kaming expert pagdating sa bomba, hindi pa rin kami dapat maging kampante lalo't maraming land mines na nakatago dito. ("Becareful and be aware. Your tasks starts now.") - pu

