"Akiro's POV" "Saan ka ba galing?." - tanong ni Rafael pagkabalik ko sa classroom. Last subject na namin ngayon. "Hills Garden." - maikling sagot ko. "Edi nagkita kayo ni Viana?." - singit ni Axel. "Huh?." - napakunot noo ako matapos nang sunod sunod nilang pagtatanong saka wala sa sariling napalingon sa katabing upuan ko na ngayon ay blangko. "Sinundan ka kaya niya. Ilang minuto mula nung lumabas ka ay sumunod siya. Baka daw kasi magbigti ka." - Lisa. Kaya mas lalong napakunot ang noo ko. "Sinabi niya sa'yo?." - takang tanong ko. "Tungek! Sinulat sa papel, syempre." Siraulong Axel to ah! Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin siya bumabalik. Hanggang mag uwian na, hindi ko na talaga siya nakita. Nagkacutting class din pala ang babaeng yun? Akala ko ba, kapag nerd masyad

