➪041 MEERAH BRIELLA GUEVARRA-FERRER Agad sinagawa ni Brent ang operasyon sa mga binti ni tatay Bernie, nakakalungkot man pero kailangan na talag itong putulin. Sinagot na rin ng asawa ko ang prosthetic na gagamitin ni tatay Bernie kapag magaling na siya at wala kahit isang singko na siningil kaya laking pasasalamat ng mga anak ni tatay Bernie lalo na si Balsy. Ramdam ko na nahihiya siya sa akin o sabihin na natin na may guilt feeling siya. “Dra. Meerah? Pwede ka ba makausap kahit saglit lang?” Naiilang na lumapit sa akin si Balsy. Tumingin din siya sa paligid na pakiwari ko ay inaalam kung may ibang nakamasid sa amin. “Sige, tungkol saan?” Tiningnan ko siya ng seryoso. “Pwede ba tayo mag-usap sa ibang lugar? Kahit sa opisina mo na lang kung pwede.” Nagtataka akong nakatingin sa kanya

