➪043 MEERAH BRIELLA GUEVARRA-FERRER Tawa ako ng tawa sa reaksyon ng asawa ko. Kulang na lang ay tumilapon na kami palabas ng sasakyan sa lakas ng pag preno niya. Hindi makapaniwala na nakatingin siya sa akin. “I’m just kidding, Sweet. Drive ka na ulit. Hahaha!” Natatawa kong sabi. Hindi siya kumilos at nakatingin lang sa akin. “Bakit, Sweet, guilty ka ba sa dalawang hinala ko?” May panunukso ko na tanong. “Of course not, Sweet! I just can’t believe what you have said.” He’s so cute while explaining. Ang sarap lampirutin ng pisngi niya. Ang asawa ko pa yata ang pinaglilihian ko. “Ayon naman pala eh! Edi tara na, nagugutom na kami ni baby.” Huminga siya ng malalim at inayos ang suot kong seat belt. Hinalikan niya ako sa noo at hinaplos ang pisngi ko. “Remember this, Sweet. I want to da

