➪016 MEERAH BRIELLA GUEVARRA “Masakit ba te?” Nang-aasar na tanong sa akin ni Yevin. Nilingon ko siya ng may masamang tingin. “Hindi ‘no!” In-denial kong sagot. Pareho kami nakatingin kay Brent at sa bagong girlfriend niya. Masaya silang nag-uusap habang naglalakad sa hallway ng ospital papunta sa kung saan. Napansin ko din ang pag alalay ng ex ko sa baywang ng babae. And they are right, she's really pretty. Bagay nga sila ni Brent. Bumaba ng husto ang self-esteem ko ng ikumpara ko ang sarili ko. Mala-model ang height at katawan ng bago niya, samantalang ako ay mababa lang at bilugan pa ang katawan pero hindi naman ako mataba. Mas malaman lang ako ng konti sa babaeng kasama ng ex ko. In other words, malayong-malayo ako sa bago ng ex ko. “Edi hindi! Kunwari ka pa eh. Only love ca

