➪024 MEERAH BRIELLA GUEVARRA “Bhe, hiwalay na ba kayo ni Dr. Ferrer?” Nilingon ko saglit si Yevin tsaka binalik ang tingin sa records ng pasyente. “Kami ba? Hindi ko kasi matandaan eh. Bakit mo natanong?” Malamig kong tugon. “Eh kaya ko lang naman natanong kasi kaninang umaga pagdating ni Dr. Ferrer, kasama na naman niya iyong maganda at matangkad na babae na pumunta dito last time. Todo alalay pa nga siya do’n eh. Ay sorry! Napasobra ng kwento.” Agad tinakpan ni Yevin ang bibig niya dahil sa kadaldalan niya. Walang reaksyon lang ako na nakatingin sa kanya. “Sige ipamukha mo pa sa ‘kin na hindi ako maganda at hindi ako matangkad.” nagpapa-cute siyang tumingin sa akin at yumakap sa braso ko. “Sorry na nga eh. Ang taray naman ni buntis. Hindi na nga ako magtatanong. Tara kain na lang

