➪027 MEERAH BRIELLA GUEVARRA “Sorry talaga, Doc. Meerah ah? Kay Dr. Del Pilar pala talaga ‘yon hindi Dr. Delfin. Nagkamali ka lang siguro ng dinig. Napagod ka pa tuloy. Balita ko pa naman, hindi nagana lahat ng elevator kanina. What a coincidence. Next time ha? Talasan kasi ang pandinig.” Natatawang wika ni Dra. Elyflor. Narinig ko din ang pigil na tawanan ng ibang nurses at doctors na kasama namin ngayon. Hindi nakaligtas sa paningin ko maging ang pag ngisi ni Dra. Amanda at Nurse Balsy. Halatang pinagtatawanan nila akong lahat. Naikuyom ko ang palad ko sa labis na inis. Mariin kong pinikit sandali ang mga mata ko at huminga ng malim. Pilit ko pinapakalma ang sarili ko dahil ayaw ko makipag away lalo pa na ako lang ang mag-isa dito ngayon laban sa kanilang lahat. Ayaw ko madamay an

