002 Chapter

1240 Words
➪002 MEERAH BRIELLA GUEVARRA “Oy, bhe ano ‘yon ha? Magkakilala kayo ni sir?” Nilingon ko si Yevin mula sa masamang tingin ko sa likuran ni Brent na nakalayo na sa amin. Dito ko na napansin ang nagdududa na mga tingin sa akin ang ibang staff. “s**t! Agaw eksena pa talaga ang lalaking ‘yon!” Bulong ko sa aking sarili. “H-ha? Naku, hindi po kami magkakilala! Ano lang ahm… na ano lang…!” Hindi ako makapag-isip agad ng idadahilan. Bwísit naman kasi ‘yon eh! On the spot! “Na ano lang? Na ano ka na ni Dr. Ferrer?” Nanlalaki ang mga mata ni Yevin. Kinurot ko siya sa tagiliran niya dahil mapapahamak ako dahil sa bunganga niya. “Hindi ah! Ahm, ngayon lang nagtagpo ang landas namin ‘no! Kita nyo naman ka babalik niya lang galing ibang bansa. Binulong niya lang sa ‘kin may dumi ang sapatos ko para hindi naman ako mapahiya. Kayo naman!” Kinakabahan kong sabi. Mukhang naniwala naman sila kaya nakahinga ako ng maluwag. Totoo naman talaga na may konting dumi sa dulo ng sapatos ko kaya ayon na lang din ang naisip kong dahilan. “Akala ko talagang magkakilala kayo ni Dr. Ferrer eh. Sasabihin ko sana ay sana all!” Wika ni Deborah, na isa ding nurse. Kanya-kanya ng pulasan ang lahat at balik sa station pero ang bestfriend ko parang hindi kumbinsido sa dahilan ko. Ang hirap talaga maisahan ng matsing! “Hoy babaita! Umamin ka nga sa ‘kin…” Hinawakan ako sa siko ni Yevin at dinala sa isang sulok. Hindi ko maiwasan mapa-nguso dahil alam ko na pipigain na naman niya ako. “Nakita ko kanina kung paano ka tinginan ni Dr. Ferrer, halata naman na magkakilala kayo. Umamin ka na nga sa ‘kin bago pa kita masaktan. Alam mong hindi ako makatulog ng maayos kapag may chismis ako na hindi malaman.” Mataray na sabi sa akin ni Yevin habang naka pamewang pa. Basta chismis talaga! “Chismosa mo talaga. Oo na! Oo na! Magkakilala nga kami pero hindi ko siya close.” Ayaw ko sabihin ngayon sa kanya na ex-boyfriend ko si Brent lalo lang hahaba ang usapan. Hindi na naman ako titigilan niyan hanggat hindi ko nasasabi lahat. Napaka kulit pa naman ng isang yan. Naningkit ang mga mata sa akin ni Yevin at tumingin ng may pagdududa. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil sa intense ng tingin niya sa ‘kin, parang hinuhusgahan niya ang buong pagkatao ko. “Duda ako sa hindi close. Sa lagkit ng tingin niya sa ‘yo kanina na parang gusto ka na niya lapain eh, palagay ko higit pa kayo sa magkakilala lang. Umamin ka, nag-bembángan na kayo ni Dr. Ferrer ‘no? Liars go to héll!” Mabilis ko tinakpan ang bibig ni Yevin kahit nahihirapan ako dahil sa matangkad siya sa ‘kin. Tumingin ako sa paligid kung may ibang nakarinig pero mukhang wala naman. “Bunganga mo talaga, walang preno!” Gigil kong bulong sa kanya. Inalis niya ang kamay ko sa bibig niya at bahagyang yumuko malapit sa tenga ko. “So, nag-bembangan na nga kayo?” May himig ng panunukso na bulong niya sa ‘kin. “Oo na nga! Maraming beses pa.” Tinakpan ni Yevin ang bibig niya at nagpipigil na tumili ng malakas. Hinampas niya pa ako sa braso ko dahil sa sobrang kilig niya. “Oh my gosh, bhe! Sigurado ako, durog ka sa kama niyan. Sa laking bulas ba naman ni Dr. Ferrer! Tiningnan ko ang pantalon niya kanina, shocks, ang laki ng umbok! Yung tipong paluluwagin ka talaga!” Inirapan ko naman siya dahil sa lakas ng imagination niya. Hilig niya talaga tumingin sa pantalon ng mga lalaki! “Bwisit ka! Hindi pa ko maluwag!” Tinalikuran ko na siya while crossing may arms at nakanguso. Tawa naman siya ng tawa sa ‘kin habang nakasunod. “Naging kayo ba or parang f**k buddy lang ?” Kinikilig na tanong ni Yevin. I rolled my eyes, hindi talaga matahimik ang baklang ito. “Both!” Suplada kong sabay lakad ng mabilis palayo sa kanya. Narinig ko pa ang pigil na tili niya. Inaasar-asar niya ako habang naglalakad kami at nakaakbay sa ‘kin. Tinutusok-tusok pa niya ang pisngi ko kaya panay ang hampas ko sa kanya. “Sorry na, hindi ko naman sinabi na maluwag ka eh, ang turnilyo mo siguro, oo. Hahaha. Baka jutz lang din talaga ang kanya kaya hindi ka pa maluwag. Wahaha!” Naiiling na lang ako sa kalokohan ng isang ito. Hindi niya lang alam kung gaano kalaki ang alaga ni Brent, halos himatayin nga ako no’ng first time ko. Ulo pa lang ang nakapasok, nakakapang lambot na. Imagine niyo pa nang ipasok na ng buo. Buti na lang hindi ko pa oras. “Tse! Tumigil ka na nga. Aga-aga títí ang pinag-uusapan natin.” Sabay kami natawa sa kalokohan namin. Nabubuhay talaga ang dugo namin basta kabalastugan ang usapan. “Puro lang ba landian ang ginagawa niyo sa oras ng trabaho?” Napahinto kami ni Yevin sa parang kulog na boses ng nagsalita, my ex-boyfriend. Nakapamulsa siya at madilim ang araw ng mukha. I know that face, ganyan siya kapag nagseselos at gusto manakit. Tumayo si Yevin ng tuwid at nag-clear throat bago nagsalita, “Ehem… Good morning, Dr. Ferrer. Sorry for that, nagkatuwaan lang. Pabalik na rin kami sa station namin.” Nag-iiba talaga ang katauhan bigla ni Yevin kapag may lalaking kaharap. Akala mo totoong lalaki at matino kausap. Tinignan lang ng masama ni Brent si Yevin bago lumipat sa akin ang tingin. His light green eyes are looking at me seriously like I have done something wrong. “Ms. Guevarra, follow me to my office. Now.” Kalmado pero napaka seryoso na sabi ng ulopóng kong ex-boyfriend. Nakatitig lang ako kay Brent habang lumilipad ang isip ko sa mga nakaraan namin. Lalo siyang tumangkad, mas manly tingnan ang katawan pero baby face. Kumpleto pa kaya ang 8-packs abs niya? Paborito ko yan bilangin noon ng paulit-ulit lalo na kapag nasa ilalim niya ko. “Pst! Bhe, sara mo ang bibig mo, tulo laway ka. Nakakahiya. Halatang in-love ka pa kay Dr. Ferrer.” Bulong sa akin ni Yevin. Bigla ko napa pahid sa bibig ko dahil baka may laway nga na tumulo pero wala naman kaya sinamaan ko siya ng tingin. Napansin ko na lalong dumilim ang anyo ni Brent na nagbigay sa ‘kin ng matinding kaba. “Mauna na ko, bhe. Mag-rounds pa ko. Excuse me, Dr. Ferrer.” Kalmadong naglalakad si Yevin at nang makalampas kay Brent ay sumenyas siya sa akin ng ‘lagot ka.’ Nakagat ko ng mariin ang labi ko dahil hindi ako makaganti sa kanya. “Bhe? That's your call sign? Is he your boyfriend?” Madilim na anyo na tanong ni Brent. “It's none of your business, Dr. Ferrer. Bakit niyo po ako pinapapunta sa opisina mo?” Walang emosyon kong tanong. Ngumisi ito sa akin ng nakakakilabot at nilapit ang bibig sa tenga ko. “I just want to claim what is truly mine and that is you.” He seductively whispered and kissed my ear lobe. “Gagó.” Sagot kong bulong sa kanya. “Let's go to my office now kung ayaw mo mawalan ng trabaho ang lalaking kasama mo kanina. Try me.” #TwinkleStar✪
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD