➪030 MEERAH BRIELLA GUEVARRA “Sweet, okay naman na kami ni baby. Payagan mo na ko magtrabaho ulit. Promise, mag-iingat na ako sa kilos ko. Bagot na bagot na kaya ako dito sa bahay. Konti na lang talaga maglalagay na ako ng House For Sale diyan sa gate natin.” Nakanguso kong pakiusap kay Brent. Naka ilang b*****g na siya sa akin at lahat pero ayaw pa rin ako payagan bumalik sa duty ko kasi daw baka mapagod ako sa trabaho samantalang siya naman itong pumapago sa akin palagi. “Sige papayagan kita pero bibigyan kita ng personal assistant mo na lagi mo kasama kahit nasaan ka lalo kapag wala ako sa tabi mo. Bukod pa ‘yon sa bodyguards mo.” Lalo naman ako napanguso sa sinabi niya. Para naman akong bata na kailangan pa ng bantay. “Eh… agaw pansin pa ‘yong bodyguards eh. Okay na 'yung pers

