➪046 MEERAH BRIELLA GUEVARRA-FERRER Naawa ako sa kalagayan ni Dra. Amanda, nabalitaan ko na tuluyan na siyang nakulong pero tila wala na daw ito sa sarili. Madalas na nakatulala, tumatawa o kaya umiiyak na lang daw bigla. Minsan naman daw ay kinakausap ang sarili. Nakiusap ako sa asawa ko kung pwede namin dalawin si Dra. Amanda, pumayag naman siya as long as kasama siya. Pagkakita pa lang sa akin ni Amanda, gusto na niya ako sunggaban, maigi na lang na nakaposas siya at hawak ng dalawang pulis ang magkabilang braso niya. Galit na galit siya sa akin. “Kasalanan mo ang lahat ng ito! Dapat ikaw ang narito! Bitawan nyo nga ako!” Sigaw niya at pilit na inaalis ang pagkakahawak sa kanya ng mga pulis. “Sit down at tigilan mo ang pagwawala mo kung ayaw mo madagdagan pa ang sentensya mo dito.”

