039 Chapter

1357 Words

➪039 MEERAH BRIELLA GUEVARRA KINAUMAGAHAN~ “Ngayong madadagdagan na ulit ang anak nyo ni Meerah, wala pa ba kayo balak magpakasal?” Tanong ni daddy Elliot kay Brent habang narito ang lahat sa garden para mag-almusal. Napangiti ako ng alanganin ng tumingin silang lahat sa aming dalawa ni Brent. Si Brent naman ay ngumiti lang sa kanila. Ganun din si Yunah, Chronos at Ryosuke, nakangiti lang ng makahulugan pero hindi nagsalita. Hinawakan ni Brent ang kamay ko at hinalikan. “Mom, Dad, Mama, Papa at sa mga hindi pa nakakaalam, nagpakasal na po kami ni Sweet. We are officially husband and wife.” Sandali sila na hindi nakapag salita at nakatingin lang sa aming lahat. Ang iba ay laglag panga pa. “Teka… Kailan pa kuya?” Takang tanong ng bayaw ko, si Blake. “Hindi man lang kami invited?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD