HER “Saan ka naman pupunta ng two months?” tanong ni Jake habang kumakain kami ng ice cream sa katabi naming na tindahan, halos kakauwi ko lang galing school, at talaga naman, nakakapagod pala ang project na yon, kinakain lahat ng oras ng pahinga ko, buti na lang sabado bukas, wala akong pasok, ginawako na rin kanina ang mga assignments ko. “Project, by pair kasi, may nakaassign na mga pupuntahan,” binuksan ko ang susunod kong ice cream, stress reliever talaga to. “Saan ka naman naka assign?” tinignan nya ko ng masama nang nakita na pangalawang ice cream ko na to, sya kasi hindi pa ubos. “St. Agnes village.” Hindi pa kami tapos ni yabang sa research na yon, pero ang dami nya na naituro, mukhang maala

