HER "Lucienne, pwede ba Cie na lang? Or Lucy? Haba eh." Kunot noo na napatingin ako kay Jacob ng mag salita sya. Naglalakad kami sa supermarket, sya ang may tulak ng pushcart at ako naman ang may hawak sa listahan. Yes, we became friends, it's been three months ng makalipat ako sa apartment, at walang araw na hindi nya ko ginulo, and I must admit, dahil don naging comfortable ako sa presence nya. "Sige, ikaw bahala. Pati pangalan ko pinakikielaman neto." Masungit na sagot ko, pero alam ko na di sya naooffend, sanay na sya sa mga sagot ko na ganito. "Sungit mo talaga. Teka, ano pa ba kulang?" Balik tanong nya, kaya agad na tinignan ko ang listahan

