Nag-cross arm na lang ako at naglakad na ulit, 'Kung wala sa bakanteng lugar. . . baka naman sa crowded na lugar?' napangiwi ako sa naisip ko, crowded na nga tapos makikisiksik pa si Invisible Flora? Aba tama yon, di naman siya kita eh, edi makisiksik siya, atleast hindi siya nasabihang ipinagpipilitan niya yung sarili niya sa mga bulaklak na di naman dapat sa kaniya. Chos. Sinipa sipa ko ang ibang bato na nadadaanan ko, ewan ko kung nakakalikha ba yon ng tunog, bingi ako kaya hindi ko marinig! Pagsipa ko sa isang bato ay parang may natamaan ito sa harapan ko. Nagulat na lang ako nang biglang lumutang yung bato at para bang may pumulot doon, akmang ibabato niya na sa akin yon kaya naman gumilid ako kaya naman hindi tumama sa akin. . . S-sino yon? Bakit hindi ko makita?! Hindi naman Ang d

